Nine

17 0 1
                                    

"Lia! Sorry naman na, oh. Pansinin mo na ako."

Dire-diretso lang ang lakad ko palabas sa gate ng school, hindi ko nilingon ang sumusunod saakin. Nagkunwari akong walang naririnig at nagsalpak ng earphones sa tenga na walang music.

Para lang tantanan niya ako.

"Shit."

Narinig ko siyang nagmumura sa likuran ko habang naka-sunod parin. Mukhang hindi alam kung paano ako kakausapin dahil iwas na iwas ako sakaniya mula pa kahapon.

Nagalit kasi ako sakaniya, sinira niya 'yong regalo saakin ni daddy at mommy na kwintas.

Kahit hindi ako masyadong mahilig magsuot ng alahas at madalang ko lang gamitin 'yon ay mahalaga parin 'yon ano!

Mukha parin ngang bago 'yon kahit mahigit twenty years na sa mga magulang ko 'yon. Ang sabi ng mommy ko ay kay Lola at Lolo pa raw iyon galing.

Ni hindi ko nga alam kung paano niya nasira 'yon eh. Pagtingin ko nalang ay putol na ang chain noon, mabuti nalang at hindi niya nawala ang pendant.

Mula tuloy kahapon noong pina-uwi ko siya ay hindi ko na siya pinansin.

Bukod pa roon ay sumama rin ang pakiramdam ko kanina habang nasa klase, sumasakit ang tiyan ko kaya mas lalo akong nawala sa mood para makipag-usap.

"Oh, Lia? What's with the face?" Nakasalubong ko sina Kianna habang naglalakad ako.

Mukhang papunta sila ng night market dahil magka-salungat ang direksyon namin.

Naka-kunot ang noo ni Kianna saakin. Halatang nagtataka sa kilos ko.

"Ay, patay. LQ." Sabat naman ni Ann habang tinitignan ang lalaking nasa likod ko.

"Sirain ba naman ang kwintas nya, eh." Tumawa si Nia kaya tinaasan ko siya ng kilay bago umirap.

Nilagpasan ko na sila at patuloy nang nag-lakad pauwi.

"Anong ginawa mo?" I could sense Kianna's annoyance.

"Huh? Ah, k-kasi ano, eh.." Kabado namang sumagot si Cairo.

Narinig ko pa kung paano nila intrigahin si Cairo, kaya hindi na niya ako nasundan pa. Mabuti na rin 'yon dahil wala akong balak na kausapin siya.

Palubog palang ang araw, kitang-kita ko kung gaano kaganda ang sunset habang naglalakad ako papunta sa village namin.

Napangiti ako ng bahagya habang tinititigan 'yon. Kahit paano ay nabawasan ang sama ng loob ko. Huminga ako ng malalim para mabawasan naman kahit paano ang dinadamdam ko.

Nilabas ko ang cellphone ko para kuhanan ng litrato 'yon kaya huminto muna ako saglit sa ilalim ng malaking puno. Pumwesto ako sa gitna noong puno at umatras ng kaunti para makita ang ilang mga sanga at dahon nito.

The picture captured both the tall buildings and the tree branches and leaves. Mister Sun was in the middle of two buildings, slowly disappearing.

Lumawak ang ngiti ko nang makita kung gaano kaganda ang picture na nakuha ko.

"Ang ganda ganda mo talaga.." Bulong ko.

"Oo nga, ang ganda mo.."

Napamura ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Cairo sa gilid ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin pero hindi parin ako nagsasalita.

"Magso-sorry na nga, na-putangina pa." Ngumuso siya.

Umirap lang ako bilang sagot. Pakiramdam ko'y napapanis na ang laway ko rito dahil kaninang breakfast pa ako huling nagsalita.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon