Eight

13 0 0
                                    

I didn't know what to say.

My mind went blank as I heard those from him, was I dreaming? Or was I hoping that his words were true?

'You're the only difficult challenge I'm willing to take, and I'm dying to have.'

'I'm willing to take, and I'm dying to have.'

Those words kept replaying over and over again.

"You're cute when you blush." Inaasar na naman ako ni Cairo.

Magkasabay kaming mag-lakad ngayon papunta roon sa movie room dahil tapos na kaming kumain at kumpleto na rin kami.

While we were eating earlier, no one dared to talk between Cairo and I. Ngayon lang siya nagsalita.

Dala-dala parin nya 'yong malaking teddy bear ko. Katabi namin 'yon kanina habang kumakain, nasa pagitan namin siya kaya hindi kami nag-usap ni Cairo.

"Tigilan mo na nga ako! Iwan na muna natin 'yang teddy bear sa labas ng room mamaya." Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Okay, chill! Init ng ulo nito." He raised his hands up to surrender.

Nakaka-excite ang ganitong mga klase ng ganap sa school dahil minsan lang naman ito mangyari o magkaroon.

Kaso lang nagmu-mukhang may kanya kanyang date ang mga kaibigan ko. As usual, Kianna with her serious suitor, Nia with her goofy liver lover boy, and Ann with her... boyfriend.

"Gago, third wheel na naman ako sainyong dalawa." Tinulak ni Nico si Cairo.

"Anong third wheel? Bobo, wala naman tayong jowa lahat." Umirap ako sakaniya.

Panigurado ay inaasar lang ako nito dahil sa pinag-gagawa ni Cairo roon sa carnival game.

Kung tutuusin, sanay naman na kami sa mga ganyang asaran. Araw-araw mo ba naman marinig ang pangangantyaw nila, hindi ka pa masasanay?

Kaso hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang i-deny sa sarili ko na hindi imposibleng magkagusto ako sakanya ulit, deeper this time.

Wait! No, hindi pwede! Kahit anong mangyari ay hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog sakanya.

I'd choose to save our friendship, even if it meant lying to myself.

"Ay, hindi kayo aware na mag-jowa na kayo?"

Pinilig ko ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Nico ulit.

"Hindi.. pwede."

I said the last word almost as a whisper. Iniwan ko na sila roon at nag-lakad ng mas mabilis para maabutan ang mga kaibigan naming naka-pila na sa ticket booth.

Hindi naman masyadong marami ang manonood dahil limited lang daw ang slots pero medyo mahaba parin ang pila, malamang ang punuan na naman ito.

Natanaw ko kaagad ang mga kaibigan ko na nakapila, nilapitan ko agad sila.

"What if bumili na ako ng popcorn and drinks natin?" Narinig kong bumulong si Luhan kay Nia.

"What if samahan kita?" Sagot naman ni Nia.

"What if magpaalam na tayo sakanila?" Tanong uli ni Luhan.

"What if ikaw na dahil mauuna na'ko roon?" Nia crossed her arm.

Anong ginagawa nitong dalawang 'to? Bakit panay tanungan silang dalawa? Parang mga timang.

I shook my head and approached Kianna and Kael.

"I'll get popcorn and drinks for us, love." I heard Kael.

Love? What, why and when on earth did they start calling each other love?

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon