Seven

12 1 0
                                    

"Corny, ha! kanina ka pa nakatitig diyan."

Ngumuso ako habang kunot noong nakatitig sa hawak kong stuffed toy.

"Nakakainis naman kasi, alam mo bang galit ako sa nagbigay sa'yo?" Tinuro turo ko ang panda na parang bata.

"Pero hindi ko alam kung bakit ginawa ko 'yon! Bakit ba ako nagpasalamat sakaniya eh may kasalanan nga siya sa'kin! He didn't even say sorry to me."

Inis kong pinisil ang tummy niya habang nagmamaktol. Mukha tuloy akong nanay na sinesermunan ang anak dahil sa nagawang kasalanan nito.

"Hoy! Cordelia Celestine. Para kang tanga diyan, ano bang ginagawa mo?" Umakmang aagawin ni Nia sa'kin ang teddy bear kaya iniwas ko agad ito mula sakanya at tinago sa may likuran ko.

"Niaaaa, nakakainis! Ang cute nyaaaa." Halos maiyak nako sa panggigigil.

"Sino ba? 'Yung teddy bear, o 'yung nag-bigay?" She crossed her arms before giving me a smirk.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Malamang 'yong teddy bear ang tinutukoy ko! Hindi parin nawawala ang inis ko kay Cairo dahil sa ginawa niya kanina.

Nadagdagan pa lalo noong ginawa ko, mas lalo akong nainis hindi lang sakanya kundi sa sarili ko rin.

Napahiga nalang ako sa kama habang iniisip kung paano niya ibinigay sa'kin 'to.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang sumulpot sa gilid kong panda habang tinitignan ko 'yong picture namin.

"Hi, Lia!" Pinaliit ni Cairo ang boses niya habang naka-tago sa likod ng ginagalaw niyang kamay noong panda para mag-wave sa'kin.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka nga." Umirap ako sakaniya.

"Aw, Lia so sungit. You don't like me?" He still tried to talk in a tiny voice.

"Cairo Izaac." I was fighting the urge to take the cute panda from him.

Matalim ko siyang tinignan para lubayan na niya ako dahil galit parin ako sakaniya. I was too petty but I didn't care, gusto ko siyang ma-guilty sa ginagawa niyang pagbibigay ng mixed signals sa'kin.

He sighed before sitting next to me.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo? Umalis ka-" I stopped when he placed the panda's nose in front of my lips.

"You're so noisy." He rolled his eyes before putting his hands inside his pockets.

"Mama mo noisy."

He furrowed his brows, he felt offended by what I said.

"First try ko nakuha 'yan." He proudly said.

"So? Sayo 'to, 'wag mong ibigay sa'kin dahil ikaw ang naghirap at gumastos."

Binalik ko sakaniya 'yong teddy bear, pinaupo ko ito sa lap niya agad niya naman itong hinawakan sa may tiyan.

"Kinuha ko 'to para sayo, Lia. Pinaghirapan ko 'to para sayo." He grabbed my arm before making me hug the panda.

"I know you wanted it, so I got it for you." He smiled.

"I don't like it, dahil galing sayo. I can get one on my own." I rolled my eyes.

"Shh! You're offending him. My poor Panpan." Inagaw niya mula saakin 'yung teddy bear at niyakap ito ng mahigpit.

Na-guilty naman ako, I lied when I told him I didn't like it. I'm dying to take him home and let him sit on my bed.

"Akin na nga! Kawawa sayo 'yung teddy bear eh." Inis kong inagaw mula sakaniya 'yon bago tumayo para umalis.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon