Five

10 0 0
                                    

"Pakibilihan mo na rin po ako ng gabi at kangkong para sa sinigang mamaya, manang, thank you."

Nagulantang ako sa baritonong boses na bumati sa aking pandinig.

Agad akong napa-upo sa malambot na kamang hinihigaan habang hinihimas ang noo.

Pagmulat ng mga mata ko ay agad na nanlaki ang mga ito. Hindi ganito ang itsura ng kwarto ko! Kulay dark blue ang mga pader na bumungad sa'kin. Malinis na malinis ang paligid, halos di manlang nakaranas madapuan ng alikabok, samantalang 'yung akin ay makalat.

Napamura agad ako habang inaalala kung anong nangyari sa'kin kagabi. Ang huli kong naalala ay nakatulog ako sa loob ng sasakyan ni Cairo. Kinabahan agad ako at napatingin sa suot ko.

Mas lalo akong ginapangan ng kaba nang makitang naka-suot na ako ng oversized na shirt at shorts. Sakaniya ba 'to? Bakit ko naman suot ang damit niya?! Putangina may nangyari ba saamin kagabi?!

Pumasok siya sa kwarto at sinara ang pinto, gulat pa siyang napatingin sa'kin. May hawak siyang tuwalya, toothbrush, sabon tsaka isang maliit na bote ng shampoo. Hindi pa nabubuksan 'yon lahat.

"Gising ka na p-" Lalapit sana siya sa'kin pero lumayo naman ako kaagad sakaniya.

"'Wag kang lalapit!" Binalaan ko siya at tinuro pa.

Nasa kabilang dulo na ako ng kama, nakatayo habang tinatakpan ang sariling katawan kahit may damit naman.

Kumunot naman ang noo niya. Basa pa ang buhok niya, mukhang kakatapos lang niyang maligo. Nakasuot na rin siya ng puting shirt kagaya nitong saakin at black na shorts.

"Anong ginawa mo sa'kin kagabi? Bakit iba na ang damit ko? Sabi ko sa'yo ihatid mo ako sa bahay ah?" Sunod sunod kong tanong sakaniya.

"Kapal mo! First of all, hindi kita type, second, si manang ang nagpalit ng damit mo, and third hindi ko alam ang bahay niyo kaya dito kita dinala sa bahay 'ko'." Sagot niya naman. Inemphasize pa ang pagsabi ng 'ko'.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Binaba ko na ang kamay kong nakaturo sakaniya bago umupo ulit sa kama.

"Magkatabi ba tayong natulog kagabi?" Nahihiya kong tanong sakaniya.

"What?! Hindi! Sa sofa ako natulog kagabi, ang likot likot mo kaya." Tinuro niya ang sofa na may kumot at unan.

Buti naman at hindi niya ako tinabihan, na-conscious naman ako agad sa mukha ko habang natutulog. Panget kaya ako pag natutulog? Sabi kasi sa'kin nila Kianna mukha raw akong tanga kapag tulog eh. Nakakahiya naman.

"I-uuwi na rin kita pagkatapos natin mananghalian. Maligo ka na, ang baho mo!" Hinagis niya saakin 'yung towel na hawak niya.

"Paano 'yung damit ko?" Tanong ko sakaniya.

"Nagpabili na ako kay manang."

Nilapag niya rin 'yung mga gamit na dala niya sa kama at tinuro saakin ang cr sa loob ng kwarto niya bago lumabas ng pinto.

Manang? Ibig sabihin ay may katulong sila rito?

Padabog nalang akong pumunta ng banyo niya para maligo at mag-ayos.

Maging ang banyo niya ay malinis rin, kulay gray ang pader nito at black naman ang shower at faucet. May bilog na salamin sa harap ng lababo kaya doon ko muna nilapag ang toothbrush ko. May nag-iisang toothbrush rin doon na kulay blue, nakalagay sa baso na kulay itim.

May nakita akong weird na symbol doon sa salamin, dahil curious ako ay hinawakan ko 'yon. Nagulat ako nang biglang umilaw ang likod ng salamin. Mas lumiwanag tuloy ang reflection ng mukha ko doon.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon