Eleven

22 0 0
                                    

Pagbalik ko ng table namin ay wala na si Cairo roon.

Binati ako ng mga kaibigan ko na may mukha ng pag-aaalala.

"Saan si Zaki?" Tanong ko sakanila.

They looked at each other but no one dared to speak which made me more annoyed.

Dahil wala namang sumagot saakin ay kinuha ko ang bag ko at isinukbit iyon sa balikat para umalis ngunit pinigilan ako ni Nico.

"Uhm, Lia, gusto mo pa ba ng ice cream? Treat pa kita-" Aligaga siyang lumapit para pigilan ako.

"Wala na akong gana." Matamlay kong sabi bago naglakad palabas ng shop.

Sinundan naman ako ni Nico.

Paglabas namin ng pintuan agad na hinawakan ni Nico ang palapulsuhan ko na siyang nagpahinto sa akin.

Hinarap ko siya at matalim na tinignan. "Ano?"

Ang takot niya ay napalitan ng pag-aalala nang titigan niya akong mabuti.

"Umiyak ka ba?" Tanong niya nang hindi parin ako binibitawan.

Isang sarkastiong tawa ang pinakawalan ko sakaniya.

"Hindi, napasukan lang siguro ng isang timba ng buhangin ang mata ko kaya ganyan." Sagot ko naman.

Hindi siya umimik, hindi alam kung anong kasunod na sasabihin habang lumilinga sa paligid kaya nagsalita ako ulit.

"Sige na Nico, uuwi na ako parang sumasama na naman kasi pakiramdam k-"

Naputol ang pagsasalita ko nang mapatingin ako sa kaliwa kung saan nakita ko iyong babae kanina sa powder room na nakatayo sa harapan ng pintuan ng itim na sasakyang naka-park doon habang nakangiti.

Kilalang kilala ko kung kanino iyon dahil ilang beses na akong pasahero noong may-ari kaya't hindi ako pwedeng magkamali.

Ilang sandali pa ay lumapit din si Cairo sa sasakyan niya nang naka-kunot ang noo na para bang galit na galit.

Halos sabay silang pumasok noong babae kaya mas lalong nag-init ang ulo ko sa nakita.

Nararamdaman ko na naman ang mainit na likidong naiipon sa mga mata ko.

Narinig ko na naman ang galit na boses ni Nico sa gilid ko. "Damn that woman."

Naramdaman ko ang marahang paghigpit ng pagkakahawak nito saakin kaya medyo napa-aray ako.

"S-sorry, Lia. Hindi ko namalayang hawak pa pala kita." Agad siyang nanghingi ng paumanhin bago bitawan ang pagkakahawak saakin.

Hindi parin maalis ang titig ko sa sasakyan ni Cairo, ngayon ay kinakausap siya noong babaeng naka-upo sa shotgun seat habang naka-tagilid pa para iharap ang sarili sakaniya.

"Tangina talaga." Natatawa kong sabi bago yumuko.

Ikinuyom ko kamao ko sa sobrang inis kasabay ng mga luhang nag-uunahan na naman sa pagbagsak.

"Hey.." Hinila ako ni Nico para yakapin.

Masyado na akong nanghina sa mga pangyayari ngayong araw kaya naubusan na ako ng lakas para pumiglas pa mula sa pagkakayakap niya.

Hinaplos niya ang buhok ko para pakalmahin ako nang marinig niya ang paghikbi ko.

Iniangat ko ang tingin ko para muling bumaling sa direksyon nina Cairo, nakita ko kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't isa noong babae kanina. Para bang na-estatwa siya sa kinauupuan niya noong napatingin siya sa direksyon namin ni Nico dahil sa pag-iwas niya sa tingin ng babae.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon