Four

12 0 0
                                    

"Lintek na traffic 'yan."

Pinagpag ni Nia ang pants niya pag-baba namin ng jeep.

Na-late na kami ng kaunti sa party ni Liam dahil sa sobrang haba ng traffic. Dahil medyo may kalayuan rin ang venue ng party ay naisipan naming mag-jeep papunta roon.

Nang makababa ng jeep ay nilakad na lamang namin ang natitirang distansiya dahil malapit naman na kami.

"Ito na ba 'yon?" Tanong ni Kianna bago tinignan ang address sa hawak niyang invitation.

"Siguro, hindi naman yata tayo ililigaw noong napag-tanungan natin kanina." Nagkibit-balikat ako sakanila.

We stood in front of a massive black iron gate. There were some gold details on it too, may malaking letter L sa gitna ng bilog sa center nito. May parang pebbled pathway pa pagpasok ng gate, kasya roon ang sasakyan. May mga ilaw pa sa ilalim ng mga halaman at siya na ring nagbibigay liwanag sa pathway.

Hindi namin sigurado kung dito ba nanggagaling ang music na naririnig namin dahil mahina lang ito, mukhang galing sa malayong distansya.

"Teka, tatawagan ko si Liam." I took my phone out before calling Liam.

"You have his number?" Ann raised her brow at me.

"Uh, Duh? Matagal na kasi matagal na kaming friends?" I answered.

I've had Liam's number for a while now, but we've only talked over the phone maybe twice or thrice, I can't remember. Siya lang ang tumatawag saakin kapag may itatanong siya o di kaya ay manghihingi ng favor.

He picked up the phone after a few rings.

"Hello, Lia?! Hello?! I can't hear you! Wait-" Nailayo ko mula sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Liam kasabay ng maingay na tugtog at mga hiyaw ng tao sa background.

I heard him walking away from the loud crowd and music, he probably went outside of the venue or something.

"Hi, Uhm, I think we're lost."

"Okay wait. Uhm, what do you see?" He asked me.

"We're in front of a huge black iron gate, tapos may pathway sa loob papunta sa kung saan. Tama ba 'to?" I asked while looking back at the gate.

"Yeah, tama naman yan. May guard dapat na nagbabantay riyan ah? Sandali contactin ko lang."

"Wait, andito na yata 'yung guard. No need to contact him. Thanks!" I ended the call.

Lumapit kami sa guard na kakarating lang, malaki ang katawan niya at nakasuot sya ng uniform at shades may parang earpiece pa siyang naka kabit sa tenga. Bigatin amputcha.

"Bakit siya naka-shades, beh? Gabing gabi na." Bumulong sa'kin si Ann.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran.
"Hindi ko alam." Mariin ngunit mahina kong sabi.

"Bobo, ganiyan talaga sila. Parang 'yong napapanood ko sa mga movie." Nakisingit naman si Kianna sa bulungan namin.

Nang makalapit kami sa guard ay pinakita kaagad namin ang mga invitations namin bago kami pinapasok sa loob ng gate.

Hindi nagsasalita iyong guard. Hindi ko alam kung masama lang ba ang mood niya o parte iyon ng trabaho nila. Sumenyas lang siya na sumunod kami sakaniya.

"Nakakatakot naman siya beh, uwi na kaya tayo?" Kinakabahang tanong ni Ann habang naka-kapit sa'kin.

Ang lamig ng kamay niya, namamawis na rin ito kasabay ng noo niya. Totoo pala talagang natatakot siya pero hindi ko naman alam kung bakit. Tinawanan ko tuloy ang mukha niya.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon