Three

8 0 0
                                    


The next day was a Saturday, we didn't have class but we had a party to attend to.

Dahil mamayang hapon pa naman ang magsisimula ng party ni Liam, hindi ko na pinagising ng maaga ang mga kaibigan ko.

Ako palang ang gising sa aming apat.
Tumayo ako mula sa sahig dahil doon kami natutulog kapag nandito sila sa bahay.

I went to the table and reached for my phone. I took a picture of them while sleeping. I silently laughed at their position.

Ang binti at braso ni Nia ay naka-yakap na kay Ann. Si Ann naman ay nakaharap kay Kianna, ang hita niya ay nakapatong sa tiyan nito.

Poor Kianna, she looked like an angel kahit tulog, parang walang kamalay malay sa kung anong nangyayari sa paligid niya.

I went out of the room para bumalik sa sarili kong kuwarto, I wanted to shower already.

May kaniya kaniyang bathroom ang apat na kuwarto dito sa taas, kaya hindi na namin kailangang maghinatayan kapag maliligo o mag c-cr.

Napadaan ako sa study table ko habang papunta sa dresser ko.

I smirked at myself again while staring at Cairo's I.D, hindi ko pa alam kung paano ko ibabalik sakaniya 'yon dahil wala naman kaming pasok ngayong araw.

Baka sa monday ko nalang ibigay sakaniya 'yon.

Kumuha muna ako ng damit na pambahay bago pumasok ng bathroom para maligo at magsipilyo.

Hindi pa naman kami aalis agad at marami naman akong damit na pagpipilian mamaya para sa party. Pahihiramin ko nalang sila Ann ng damit kung sakaling wala silang maisuot mamaya.

Nang matapos akong maligo at mag-ayos. Bumalik naman ako sa malaking guestroom para i-check kung gising na ba ang mga kaibigan ko. May dalawang queen sized bed ang guestroom sa magkabilang side dahil kapag may mga bisita rito sa bahay ay pwede silang magpalipas ng gabi dito.

May mga extrang matress pang matutulugan kung sakali.

Iyon ang inilatag namin sa gitna ng sahig at tinulugan, ayaw kasi nila Kianna na magkakahiwalay kami kapag nags-sleepover.

Nakita kong nagtutupi na ng kumot si Kianna habang si Ann naman ay nag-aayos na ng mga unan. Si Nia naman, mukhang kakagising lang dahil kinukusot pa ang mata niya habang naka-upo.

"Alam mo Lia, nakakainggit ka. Buti nakakaligo ka ng ganito kaaga." Sabi ni Ann habang nilalagay ang mga unan sa kama.

"Hindi ka lang kasi naliligo." Tumawa ako sakanya.

"Excuse me?! Fresh ako always, kahit walang ligo ligo." She playfully flipped her hair.

"Ew, so dugyot." Singit naman ni Kianna habang kunwari'y nandidiri.

"So sakaniya ka kumakampi, ha?" Sinabutan ni Ann si Kianna.

"Ano ba? Don't touch me nga, Aray!"

Tinawanan namin ni Nia ang mga kaibigan naming nag-aasaran.

"Naku, ito talagang mga dalaga na 'to. Bilisan niyo na at mag-almusal na tayo." Napatingin kaming lahat kay mommy na tumawag sa amin para kumain.

Tinulungan ko na rin silang mag ayos para mas mapabilis.

Pagkatapos naming iligpit ang hinigaan namin ay naisipan muna nila na kumain muna kami bago magsi-ligo.

Pagbaba namin ng stairs ay naamoy ko na agad ang nilutong ulam ni mommy.

"Bango mommy ah, amoy favorite ko." Naka ngiti akong lumapit sa dining table.

Nakita kong naka ready na ang pagkain namin sa mesa. Mommy cooked sopas for our breakfast.

Above The City Lights.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon