"Alam mo hinahanap at tinanong ka sa akin ni Press. dahil absent ka."panimula ko. Abala kase siya sa pagbabasa.
"Tapos kung gusto mo siya dahil sa tingin ko ay gusto ka niya… pwede ko kayong gawan ng book."di ko siguradong wika. Sana naman ay pumayag siya.
"Talaga-"napatigil ito kaunti habang nakaawang ang bibig. Walang reaksyon ang mukha. Nakatuon pa rin siya sa librong binabasa niya. Kunot noo akong nakatitig lang sa kaniya.
Sinabi ko lang naman sa kaniya yung nanyari kagabi, na hinahanap siya ni Press. Na akala ni Press ay doon siya nakatira. Katulad ng mga nakalipas na araw ay namumula ang buong mukha niya sa… kilig.
Matipid akong ngumiti.
"Omg!!!"napatakip ito ng bibig bago lumingon sa akin.
Nasa lapag na ngayon ang librong binabasa niya kanina.
Napaurong ako nang bigla itong tumayo sa kama.
"Lah! Gusto talaga niya ako… Omg!"tili niya, na kanina lang ay nakaupo lang siya sa gilid ng kama, ngayon ay nagtatalon-talon na rito.
Bumaba ito ng kama halos mahulog pa at pumunta sa harap ko. "Let's start our love story!"tili niya.
Napaawang kaunti ang labi ko pero dapat masaya ako ngayon.
Sisimulan ko na ang pagtulong sa kaniya. Pinagsawalang bahala ko ang pagkirot ng dibdib ko. Anong nanyayari sa akin? Napatitig ako rito.
Ngiti niya na abot tainga habang nagsasalita.
"Kailangan muna natin ng characters tsaka…-teka may naisulat na ako na mga isasama roon pero siyempre kailangan ko ng second lead noh. Sino kaya?"
"A… si Lincoln."
—
"HOY Tria! sabi ko tara na sa loob."tawag sa akin nito.
"Ha!?"
Napairap ito at hinawakan ako sa pulsuhan, hinila lang ako papasok ng room ngunit di mapilyar ito maraming upuan ang nakaharap sa likod kesa sa harap ng blackboard. Hindi ito yung room namin. Napatigil si Bea kaya napatigil rin ako.
Lahat ng tao rito ay nasa amin ang atensiyon. Kunot ang mga noo at yung iba ay nakataas pa ang kilay, lalo na ang mga babae.
Napayuko na lang ako. Anong ginagawa namin rito?
Nakita ko ang paghakbang ni Bea at sunod lang naman ako sa kaniya. Tanging nagtatago sa likod nito.
"Talaga payag kang maging second lead ko?"rinig kong wika ni Bea ngunit di ko masilayan ang kinakausap niya dahil nasa likod ako nito.
Imposibleng si Lincoln ito dahil dapat andito rin ang SSG officers.
"Waahhhh! Salamat Josh."lahat naman sila ay napatingin sa amin kahit kanina pa naman pero mukhang marami na sila. Napabuga ako ng hangin dahil mabuti at si Josh iyon.
"Haha."rinig kong tawa ni Josh. Napailing na lang ako dahil halatang napilitan lang ito.
Napaangat ang ulo ko dahil sa katahimikan na nayanig sa buong paligid. Ramdam ko ang atensiyon na nasa kanila ngayon.
Doon na lang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagyapos sa bewang ni Bea kay Josh. Lahat sila ay gulat rin. Miski si Josh ay nanlaki ang mga mata at nakaawang ang bibig.
Napadako ang mga mata ni Josh sa akin, ngumiti lang ito ng tipid. Binasa ko naman ang labi at napatawa na lang sa isip.
Nanatili ang mga mata ko rito. Ilang segundo nagtagal ang pagyakap nila. Nang humiwalay si Bea ay mukha siyang naubusan ng hangin at di huminga ng ilang minuto.
BINABASA MO ANG
Bully That Nerd
Teen Fiction#Bully Series #1 / Complete# "A Wrong Story, A Right Characters." "A Wrong Characters, A Right Story." If you want a perfect story don't read this. This is a false story where why someone is hurting, will change, leave and let go. This is an imperfe...