"Tria nakikinig kaba?"
Napadilat ako ng malaki at tumingin kay Bea. Tumango ako, nagdi-discuss sila ngayon sa gagawin ngayon sa Valentine's Day at may mga dala silang gamit.
Papikit-pikit ang akin mga mata, pilit ko naman itong idinidilat. Matapos sila mag-usap-usap ay napasubsob na lang ako sa lamesa ng akin upuan.
Wala akong ganang kumain ngayon, nagsulat kase ako ng chapter 5 kagabi at anong oras na rin natulog.
"Tria, i know nag-update ka pa eh. Sige ako na lang ang bibili ng pagkain mo."rinig kong sabi ni Bea.
Itinaas ko naman ang hinlalaki kong daliri sa kamay habang nakayuom ang kamao.
At di ko namalayan na nakaidlip ako.
Nagising na lang ako sa isang ingay, may bumabagsak, may kinakaladkad, may hinihila at may mga nagsasalita pa. Naririnig ko naman na may nagpapatahimik rito. Ngunit di ko marinig masyado ang boses.
Napatingala ako dahan-dahan para tingnan kung anong nangyayari.
Bakit ba kase ang ingay, imposible naman na na nag-aayos na sila.
Nanlaki ang mga mata at napaawang kaunti ang labi. Napatingin ako sa likod at kinatatayuan ko. Na ngayon ay nasa sulok na ako ng silid namin, at nakaupo pa rin sa upuan ko. Habang sila ay abala sa paglilinis na ng silid na ito.
Napako ang tingin ko kay Gordon, Anong ginagawa niya rito?
Isa siya sa nagbubuhat ng mga upuan at silaya tsaka mga lamesa na gagamitin namin. Napatayo ako na makita ang buong SSG officers na andito at may mga gawain.
Kunot noo akong nakatingin kay Bea na nakaupo sa lapag, na may hawak na gunting at mga papel. Nakuha ko ang atensyon nito, sumimangot lang ito sa akin at tumango.
Siguro ay di niya rin inaasahan ito, sila pala iyon sinabi ng guro namin na makakatulong. Bakit para saan pa?
Sa paglakad ko patungo kay Bea ay kita ko ang paglingon ng mga mata nila sa akin dahilan para mailang ako.
Napa talikod na lang ako sa kanila at nakaharap na ngayon kay Bea. Na abala sa paggupit ng papel. Umupo ako sa lapag at kinuha ang isang papel kahit di ko sigurado ang gagawin.
"Ang ingay ninyo kase."narinig kong bulong ngunit di masyadong maklaro ito. At kilala ko kung kaninong boses iyon.
Napalingon ako kung saan galing iyon. Na magtama ang tingin namin ay dali naman akong umiwas. Napa tigil at tumingin lang sa papel, katahimikan ang namuo sa buong silid.
Ni paghinga ay di ko naririnig, o baka pinipigilan nila ang paghinga.
Tumayo ako para basagin ang nakakarinding katahimikan. Nagtungo ako sa harap ng amin section president at napatigil sila sa ginagawa. Napatuon lang sa akin ang mga atensyon nila.
"Ano nga pala ang gagawin ko?"magalang kong pagtatanong rito.
Napatigil pa ito na tanging nakatingin lang sa akin. Umawang ang bibig niya ngunit tumikom muli, muli sana itong bubuka ay may nagsalita. Napalingon ako rito at hinarap ito.
"Yung silya at lamesa."
Napatango ako sa narinig. Kinuha ko ang upuan na nakakalat sa gitna at inilagay ito sa di naman kalagitnaan ng silid na ito. Inihirela nila ito at ginaya ko lang ang ginawa nila.
Matapos ito ay nakita ko ang mga papel na bulaklak na nakalagay sa isang malaking basket. Sinabi ng president namin na idikit ito kung saan niya ituturo. Isa kami sa nagdikit.
Bawat tingin ko sa bulaklak ay lahat ito ay maganda at mukhang totoo. Di ko talaga maitatanggi na magaling sa mga ganitong gawain si Bea.
Napahinto ako na marinig ang boses ni Classroom president.
BINABASA MO ANG
Bully That Nerd
Teen Fiction#Bully Series #1 / Complete# "A Wrong Story, A Right Characters." "A Wrong Characters, A Right Story." If you want a perfect story don't read this. This is a false story where why someone is hurting, will change, leave and let go. This is an imperfe...