"Wala aamin sa inyo?"
Napayuko na lang kami habang nakiinig sa sinasabi ng teacher. Kakadating lang namin at kakapasok lang ni Sir sa Mapeh na kulang na lang ay magbuga ng apoy sa galit.
Isa sa amin ang pinipilit na kumuha noon. Hindi ko rin alam kung may kumuha ba talaga noon na isa sa amin.
"Walang aamin kung sino ang kumuha ng class found?"muli nitong tanong habang paikot-ikot lang sa buong silid.
Namuo ang katahimikan sa buong klase. Wala ni isa ang balak na magsalit o ibuka ang kanilang bibig. Miski si Class President ay nakatutok lang sa desk niya.
"Class President!"mabilis na tumayo ito.
Napalingon naman ako kay Bea na nakahawak na sa dibdib niya at marahan na patalon sa gulat.
"Sir ipinatong ko po iyon sa desk ninyo, bago po kayo umalis."nakatingin lang ang paningin niya sa sapatos.
Iyon pala e… bakit pinipilit niya kami na isa raw sa amin ang kumuha?
"Ikaw ang president ng klase ninyo tapos hindi mo alam!"sigaw nito rito, napakagat labi ito bago tumingin sa mga kaklase.
Napapikit na lang ako ng mariin, parang mabibingi ako na wala sa oras dahil rito.
"Kung hindi mo alam, kumuha ka ng papel at ilagay mo roon kung sino ang kumuha ng class found,"bumaling ito sa amin, "at kayo rin ganon ang gawin ninyo!"muli itong naglakad paikot sa buong silid.
Napaupo ito ngunit walang ginawa na. Ang buong klase ay nakayuko lang rin.
Ayaw rin nila mamintang.
Dali akong napatayo na marinig ang sinabi nito na ipinapagawa sa amin. Kumunot ang noo nito na makita akong tumayo. Aawang pa lang ang bibig niya ay sinagot ko na siya.
"Hindi naman po tama na basta-basta po kami mamimintang."mahinahon kong saad.
Nanlaki ang mga mata nito at lumaki ang butas ng ilong. "Aba't-"natigil ito sa pagsabat ni Bea.
"Baka po na miss place lang…"mahina na sabi nito, sapat na marinig ni Sir.
Napaawang ang bibig nito. "Aba-"muli siyang pinutol sa pagtayo ng isa namin kaklase, si Kathy.
"Tama po."pagsang-ayon nito.
Pansin ko na nasa amin na ang lahat ng atensyon nila. Muli akong napalingon sa pagtayo ng Class President namin.
"Hindi po namin gagawin yung pinagagawa ninyo po."pantay itong tumingin sa Guro namin sa mapeh.
Marahan itong napatawa at magsasalita na sana na biglang tumayo pa ang isa namin kaklase.
"Ano, ganoon ka rin?"baling nito roon at pinaninkitan nito ang lalaking kaklase namin na tumayo.
Napakamot ito ng ulo bago sumagot. "Iihi lang ako Sir."saad lang nito.
—
"Kainis siya tama naman kase tayo e, baka na na miss place lang niya."si Class President na hirap na hirap sa pag-squat niya.
"Anong klaseng guro siya mamimintang."gigil na ani ni Bea habang ganoon rin ang itsura.
Napalingon ako sa lalaking tumayo kanina na umimik ito. "Wala naman masama sa iihi ha."simangot nito.
Nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Class President.
"Oo nga noh? Bakit ka pala nadamay haha."si Kathy.
Lahat kami ay pina-squat ni Sir. Rito pa sa labas ng classroom. Gigil na gigil si Bea dahil sa pinagawa sa amin. Pero para sa akin mas okay na ito, kesa mapa-guidance pa.
BINABASA MO ANG
Bully That Nerd
Teen Fiction#Bully Series #1 / Complete# "A Wrong Story, A Right Characters." "A Wrong Characters, A Right Story." If you want a perfect story don't read this. This is a false story where why someone is hurting, will change, leave and let go. This is an imperfe...