CHAPTER 27

124 14 1
                                    

"Ikaw kaya yun…"

Ilan beses ko nang iniuulit sa kaniya ang mga katagang ito pero hindi niya ako pinaniniwalaan. Siya naman talaga iyon e. Habol-habol ko siya hangaang makalabas na kaming nitong building.

"Bea ikaw nga 'yun."muli itong humarap sa akin at sunod-sunod na pumatak ang kaniyang mga luha.

Andito na kami sa parking lot kung saan siya sinusundo ng kaniyang mga kaibigan. Iniwaksi niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at iniwan ako rito. Muli ko sana siyang tatawagin pero may lumapit na kaagad sa kaniya na mga babae. Nag-iwas ako ng tingin na matamaan ang mga mata nila sa akin.

"Inaway ka niya?"rinig kong sabi no'n Angel ang pangalan.

Payuko akong tumalikod at umalis na sa lugar na iyon. Nakatingin ako sa lapag habang binabagtas ang papunta sa harap ng gate. Hindi ko rin namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng university. Isang mainit na likido ang tumulo mula sa mata ko. Marahan kong pinunsan ito bago tumingin sa kawalan.

Iniisip ko paano kung malaman nga ni Bea… na ako ang babaeng iyon. At ako rin ang babaeng nasa litrato na tinutukoy niya. No'n kahapon kase ay pinakailaman ko ang cellphone niya, dahil gusto malaman kung sino iyon at tama ako ng hinala. Hindi lang naman pagkakaintindihan ito kaya sasabihin ko na lang sa kaniya. Akala ko ay isa lang litrato iyon pero marami pa. Sasabihin ko rin na hindi ko gusto si Gordon. Matagal ko na siyang iniiwasan pero siya ang lapit ng lapit.

At sana maniwala siya…

Ngayon ay abala ako sa paghahanda nitong mga kape na order ng isang investor nitong cafe at hindi ako nagkakamali ay kanina lang sinabi sa akin ni Josh na bukas ang anniversary nitong cafe.

Isang taon na ata ito.

"Anniversary?"pag-uulit ko.

Mabilis ito tumango habang abala sa pagtanggal ng kaniyang apron. "Ikaw na bahala muna rito sa cafe, pupuntahan ko lang si Mama. Kaya mo naman diba?"

"Oo,"pagtango ko.

"Huwag mong kakalimutan yung mga kape!"pahabol na sabi niya.

Habol tingin ako ng lumabas na ito ng cafe at nagsuot ng helmet tsaka sumakay sa motor niya.  

Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko rito. Dumating ito na may dalawang mga coffee powder at milk powder tsaka cream. Habol hininga ito umupo sa harap ko bago ilapag ang mga dala. 

"Ang daming order."habol hininga niyang sabi, gamit ang likod ng kamay ay pinunasan niya ang mga pawis sa noo.

Napatango na lang at 'di na muling lumingon pa sa kaniya dahil abala ako sa pagsasalin ng mga kape sa cups. Napatigil ako na mabasa ang nakasulat rito. Happy 10th anniversary Sweet cafe.

"Sampung taon na pala ang cafe?"humarap ako sa kaniya dahil sa nabasa. 

Umiling ito, habang abala sa iniinom ng baso ng tubig. Kumunot naman ang noo ko.

"E, bakit 10th anniversary ito?"tinuro ko ang harap ng walang laman na cup.

"E, doba dalawang taon pa lang itong cafe?"nasaksihan ko pa ang pagpapatayo nito kaya imposibleng sampung taon na ito.

"Oo, pero itong branch ay dalawang taon pa lang. Pero sampung taon na ang sweet cafe."napatango ako. 

Matagal na rin pala ito. "Sige kukunin ko pa yung ibang cupcakes."nagpunta na ito sa loob at ako naman ay sumunod.

Sinuot niya ang gloves at ako ay ipinasok sa cabinet ang mga coffee powder na dala niya. Napanganga ako sa nakitang nakasulat sa notebook nitong cafe. Halos isang daan ang mga order kada tao.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon