CHAPTER 22

118 16 0
                                    

Kakatapos mag sulat ng chapter 10; mga isinulat ko rito ay nanyari kanina sa school, napilitan lang rin dahil nangungulit ang mga readers ko. Ngayon ay magbabasa ako ng mga comments nila trip ko lang rin. Wala naman akong gagawin ngayon gabi. Pagpunta ko sa comment section ay halos mahulog ko ang hawak na cellphone sa nabasang comment.

'Omg i from this university at totoo ito i mean sila.'

May nakakaalam na sa university binasa ko naman yung mga reply dahil sobrang rami nito.

'Hala ate akala ko ako lang.'

'Waah dito rin ako nag-aaral.'

'Yung nanyari kahapon sis, mala-wattpad.'

'Makalipat nga ng school para malaman ko talaga kung sino sila."

Di ko mapigilan mapangiti ngunit nang maalala na si Gordon ay di pa alam ito ay paano na. Sana naman ay di kumalat sa university yung story nila at sana ulit mga bookworms ang tanging may alam lang rito.

Nagpunta ako sa message para sabihin ito kay Bea ngunit nagdalawang isip ako. Sorpresahin ko na lang kaya siya o kaya ay siya na lang ang magugulat sa pagababsa niya ng comments. Alam ko kaseng mas maagap pa iyon sa author kung maghintay ng Up date ng gusto o binabasa niyang story.

Itinago ko na ang cellphone ko sa cabinet bago humiga sa kama at tumitig sa kisame. Wala na akong masasabi ngayon dahil sobrang saya ko. Halos wala pa sa kalahating milyon na ang nagbabasa.

Dahil sa antok ay di ko namalayan nakatulog na ako.

"Omg!!! Iyon si Bea!"

"Hala!!! Omg!"

"Baka kase siya yung author!"

"Sana all!"

Tili at bulungan na narinig ko mula sa di kalayuan sa amin. Karamihan ng nakatingin sa amin ay maykasing kapal na salamin ni Bea at ito kasama ko siya ngayon na kunot ang noo sa mga nanyayari.

Halos kakapasok pa lang namin ng gate ay pansin ko ang kakaibang atensyon ng mga tao rito. Lahat sila ay nakatutok ang mga mukha sa mga sarili nilang mga cellphone at tumingin mula kay Bea.

May isang babaeng papalapit sa amin kaya napa tigil ako, kami ni Bea. Kagat labi pa itong hawak ang cellphone ng dalawang kamay habang nakayuko. Nang nasa harapan na namin ito ay tumingala ito at ngumiti.

"Bea, ikaw itong nasa wattpad diba?"inilahad niya ang cellphone niya sa amin.

Nakita ko naman ang pagpulang mukha ni Bea na dahan-dahan tumaas-baba ang ulo. Matipid na ngumit na halatang pinipigilan dahil sa pagkinang ng mga mata niya, di ko maiwasan ang mapangiti rin.

"Yes, I'm Bea!"pormal na pagpapakilala ni Bea at naunang naglakad sa akin.

Sumunod ako at naiwan na nakaawang ang bibig ng babaeng iyon. Pasimple akong nakinig sa paligid sa mga pinagsasabi nila. Di ko maiwasan mapangiti ng nakikilala na nila ang isinulat kong mga kwento.

"Ang galing naman, magpakunsulta na rin kaya tayo kay Astoria para gawan rin tayo ng story."

"Hindi ba sila magkasabay ni Press?"

"Alam mo yung nanyari kahapon, sila na,"

"Pero di pa naisusulat iyon sa wattpad."

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang makarating sa tapat ng building namin ay nagtaka ako ng biglang tumahimik ang lahat.

Napalingon na lang ako sa likod ng mapansin andoon ang atensyon ng lahat. Si…matilim ang tingin nito, nakataas ang isang kilay habang nakapamulsa at mistulang siya lang ang pwedeng humarang sa gitna. Nasa likod naman niya si Lincoln na nakatingin lang sa sapatos nito.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon