CHAPTER 28

129 12 1
                                    

"At mukhang gusto mo na rin siya."

Napatigil at napatingin sa kawalan ng maalala ang sinabi ni Lincoln dalawang araw na ang nakakalipas.

Hindi ko siya gusto, at hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Ilang beses ko 'man ito sabihin sa sarili ngunit parang bumigay na ako. Iba ang nais isigaw at sinasabi ng puso ko.

Bumuga ako ng hangin bago tumayo. Umiling at pinaalala muli sa sarili, "Hindi mo siya gusto, tandaan mo Tria."sa pagmulat ng akin mata ay kinuha ko na ang bag tsaka lumabas ng kuwarto.

Inahatid lang si Lola kina Manang at nagdiretso na ako sa university. Pagkapasok ko sa gate pa lang ay ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga nais nilang sabihin.

'Huy h'wag kayong maingay, baka marinig kayo.'

Mabilis akong lumingon sa likod ko na marinig ang bulong na 'yun. Hindi pamilyar na boses na babae. Ipinagwalang bahala ko ng umiwas sila ng paningin. Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sa pagtapak ng akin paa sa building at aakyat pa lang ako ng hagdan ay nanlaki ang mga mata ko na maramdaman sa likod ang kaunting pagkabasa, malamig na tubig na medyo mabaho ang amoy. Sa pagtingala ko ay mabilis na yumuko na makita pa ang timba nilang inihulog rito mula sa pinakamataas na palapag.

Mahigpit akong napahawak sa palda ko at hindi mapigilan ang pagluha. Na maramdaman kong may presensya ng tao sa likod ko ay mabilis akong tumabi. Ngunit hindi inakala na sina Bea at ang mga kasama niya ito.

"Oh my gosh, what smell is that?"

Tinignan nila ako ng pinandidirian. Malamig lang ang mga mata ni Bea habang pinagmamasdan ako.

"Amoy inidoro, haha!"

Tutulungan niya ako 'di ba?

Rinig ko ang mahinang pagtawa nila. Tatalikod na sana ito ay tinawag ko siya sa pangalan niya.

"B-bea."sa pagtawag ko sa kaniya ay ang pag-ikot ng mata nito ang tangi niyang ginawa bago umakyat ng hagdan.

Hindi ko siya naiintindihan?

Naiwan ang mga kasama niya rito. Sunod-sunod na lang tumulo ang mga luha ko ng hindi 'man niya lang ako nilingon.

Galit siya sa akin?

Sa pagtulak nila sa akin sa balikat ay napaupo ako sa lapag. Kagat labi ako upang hindi mapadaing. Agaw atensyon ako sa mga dumadaan. Napayuko ako para hindi nila makita ang mukha ko.

"Saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha mo?"sabit nitong si Angel.

Kahit nakayuko ako ay pinakinggan ko ang mga sinasabi nila. Marahan pinunsan ang mga luha ko.

"Tama, ang lakas pa kase niyang humingi ng tulong kay Bea,"sabat ng kasama nito. "Without knowing na ayaw na ni Bea kahit kailan sayo!"dugtong ng isa pa sa kanila.

"Ha ha ha."

Nagtatawanan silang umalis sa harapan ko. Naiwan pa rin akong nakaupo rito.

Gusto kong makausap si Bea, kahit hindi ko alam ang naisip niya tungkol sa akin ay aalamin ko. Ayaw kong magtapos ang pagkakaibigan namin sa ganito. Basta wala akong ginagawang mali, 'di ba?

Tumayo ako at pinawi lahat ng akin mga luha. Naramdaman ko ang malamig na hangin at lalo pa akong nanginginig dahil sa basa kong suot na damit. Niyakap ko ang sarili ko habang patungo ako sa locker room.

Kumuha lang ako ng PE uniform rito at sa pagsarado ko ng akin locker ay napatigil sa pag-iyak ng akin cellphone. Mabilis ko itong kinuha sa bag at sinagot.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon