CHAPTER 17

130 34 1
                                    


"Sino siya?"

Rinig kong bulong ni Bea, nakaawang ang labi nito habang ang mata ayandoon lang sa babaeng naglalakad ngayon sa hagdan paakyat.

Maputi ito, maymaamong mukha at laging nakangiti. Talagang titingalain mo siya sa aking tangkad niya.

"Ang ganda niya!"

Tumitingin ito sa mga tao na may mga nangugusap na mga mata. Di mo rin maiitanggi na sa pananamit niya pa lang ay isa itong model.

"Omg! Ang mahal ng damit na iyan!"

"Lalo na yung bag, Channel."

Nakasuot ito ng mahabang palda mula tuhod at nakaputing blouse, may mamahalin rin itong bag na suot.

"Ang ganda niya sobra!"

Ang sapatos naman ito ay mas mataas ang takong nito sa takong nitong suot namin.

"Pwede po picture tayo?"

"Pa-picture Arlenne."

Pansin ko rin na nakatuon ang atensyon nila rito at may mga hawaka na kamera ang mga ito, yung iba ay pasimple pang kumukuha ng litrato mula rito.

"Hi! Arlenne!"

Karamihan ay babae ang kumukuha, yung iba naman ay kumakaway pa at ngiti lang ang isinasagot nito.

"Hehehe."isang mahinang matamis na tawa ang narinig namin mula rito.

Habol tingin kaming dalawa ni Bea ng dumaan ito sa harap namin at nilampasan kami.

Naiwan na lang kaming nakatayo rito, dahil yung iba ay hinahabol ito o sinusundan.

Sino siya?

Dito ba siya nag-aaral?

E di naman siya pamilyar, di ko pa siya nakikita rito?

Sa bagay malaki itong University kaya syempre meron talaga akong di pa namumukhaan rito.

Gulat akong napalingon kay Bea na umimik ito, "Tara sundan natin!"bago pa man buksan ko ang bibig ay hinawakan na niya ako sa pulsuhan at tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng magandang babae.

Huminto kami sa isang likod ng mga estudyante rito. Nagkatinginan pa kami ni Bea ngunit gulat ako ng ngumiti lang ito. Huwag niyang sasabihin na... napaawang ang labi ko ng sumugod at patuloy na naglakad si Bea sa mga taong nag kukumpulan rito.

"Excuse me!"

"Aray! Ano ba?"

"Excuse me...!"

"Hoy!"

"Excuse me!"

"Tangina naman!"

"Excuse me...!"

Walang alinglangan naman sa pagtulak at pagsingit ni Bea sa mga tao rito, wari walang naririnig na reklamo rito. Kahit nauuna ito ay di pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. Di ko maiwasan ang mapangiwi dahil naiipit na ako sa mga tao rito.

"Excuse me!"

Hinawakan ko ang kamay nito at pilit hinahawi ang pagkakahawak niya ngunit pagkahila niya sa akin ay muntikan na ako matumba mabuti ay natukod ko ang mga tuhod ko.

Napatingala ako sa pagtawag sa akin ni Bea. "Tayo na bilisan mo!"paghila nito sa akin pagtayo.

Pagtayo ko ay inala ko ang paningin sa paligid, dali akog napalingon ako sa pagturo niya.

"Iyon andoon siya...sila?"biglang napalitan na blangkong reaksyon ang kaninang nakangiti niyang abot tainga.

Isang maliit na awang iyon mula sa mga taong andito rin. Di ko maiitanggi na talagang sikat ito rito. Miski kase sina... Gordon at Lincoln ay niyapos nito at kinakausap.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon