CHAPTER 30

168 12 1
                                    

"Ikaw ang nawawala kong kapatid..."

Sunod ko na lang naramdaman ang pagtulo ng akin mga luha.

P-paano?

Kung ako iyon at bakit parang ang labo naman ata mangyari. Wala naman akong kapatid na naaalala noon bata at higit sa lahat hindi kaibigan ni Mama si Papa dahil totoong nagmamahalan sila. Kita ko noon bata pa lang ako.

Paano ko siya naging kapatid kung iba ang-

"Magkapatid tayo sa ina."nanlaki na lang ang akin mga mata sa narinig.

Hindi ko kayang ibuka ang akin bibig. Ang dami kong gusto tanungin pero hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang daming hindi kapani-paniwala, pero paano kung totoo.

Napapatitig ako rito ng muli itong umimik.

"Si Mommy lang ang dapat ang tanungin mo rito, she will explain to you everything. Alam kong gulong-gulo ka na sa mga nanyayari. Pauwi na siya rito. Babawi siya sa pagkukulang niya, Tria basta maniwala ka lang kay Mommy."

Lumapit ito sa akin at marahan pinunasan ang pisngi ko.

"Ngayon alam mo na kung bakit kita tinutulungan, ibigsabihin no'n hindi ko rin kayang saktan si Bea, pinaubaya ko na nga siya."

Pagkaklaro niya sa mga sinabi ko sa kaniya. Ramdam ko ang mainit na likido ang muling tumulo sa pisngi ko. Mabilis naman niyang pinunasan iyon.

"Umuwi ka na, you need a rest. I know tired to everything, but remember i will always here."pagngiti niya.

"Gusto mo bang ihatid na kita?"

Hindi ko alam ang nararamdaman ko o magiging reaksyon sa mga nanyayari. Bukod na gulong-gulo ako, ay may halong kaba na nararamdaman. Hindi pa rin ako naniniwala.

Parang ayaw ko nang paliwanag sa lahat. Ayaw ko na malaman pa ang susunod na mga katotohanan, lalong dadagdag ito ng bigat sa akin didbidb.

Nakatingin ako sa kawalan habang patuloy sa paglalakad. Walang pakielam sa mga nakapaligid sa akin.

Bakit sabay-sabay ito nanyayari. Hindi pa ayos kami ni Bea at ngayon ay ang gulo-gulo ng nalaman ko. Ayaw ko silang isipin pero hindi naman ako makatakbo, alam kong ito pa rin ang kakahinatnan ko. Ang sakit sa ulo ang mga sinasabi niya.

Pero isa lang ang napagtanto ko kung totoo kaming magkapatid. Kung sakaling o kasal si Mama sa Ama ni Lincoln. Kung totoo ang mga sinabi niya. Anak ako sa labas ang kakahinatnan ko, pero anak pa rin niya ako ng Mama ko.

"Tria, kaya mo 'yan."

Pagpapaalala ko sa sarili ko na kaya ko mag-isa, na pinipigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak. Nakaramdam ako ng kahinaan at gusto ko na lang tumakbo sa kanila. Iniisip kona lang kung kanino ko sasabihin ang lahat at sino ang makikinig sa akin.

Parang wala na kasing natira. H-hindi... meron pa si Lola. Doon ako maglalabas ng sama ng loob kahit hindi naman talaga niya ako papakinggan o maiiintindihan. Si Lola na lang muna ang aalahanin ko dahil kailangan pasamantala mahalimutan ko sila. Ayaw ko na... pero alam kong kaya ko pa...

Nagtungo ako sa kalinderya para magtrabaho. Ito ang bago kong trabaho simula no'n pinaalis na ako sa cafe. Tuwing gabi lang ito at kapag kulang lang sila sa mga tao.

Pagkarating ko roon ay nagsuot na ako kaaga ng apron at nagtungo sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na andito. Matapos ito ay pasarado na rin ang kalinderya. Ay binigyan nila ako ng mga natirang ulam na paninda nila. May tatlong hita ng pritong manok at sabaw para raw sa Lola ko.

Nang makalabas na ako doon ko lang naalala ang mga nanyari kanina. Muling napawi ang akin mga ngiti.

-

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon