CHAPTER 10

219 45 2
                                    

TW: Pang-aabuso sa bata at sensitibong pananalita.

Napabuga ako ng hangin habang pinapanood ang mga pagpatak ng ulan
Nakamasid lamang ako at narito sa harap ng University, paano kaya ako makakapunta sa cafe.

Napadako ang tingin ko sa isang Van na pumarada sa gilid ko at napatingin sa paligid. Sino kaya ang sasakay rito? Pwede akong makisabay? Pero mukhang hindi pwede, nag-iwas tingin ako nang makitang papalapit ito rito habang naka sabit sa braso nitong bag.

Napayuko na lang ako at di na tumingin rito, nang narinig ko ang makina nito na umandar ay habol tingin ko rito ng umalis na ito. Mabuti na kung nasaktan ko siya kesa naman ang matalik kong kaibigan.

"I like you, pwede ba kitang-"

Bago pa niya ituloy ang sasabihin. "Hindi pwede."mariin kong sabi at umiwas sa tingin niya. Napayuko na lang ako.

"B-bakit?"nakaramdam ako ng sakit sa boses niya.

"Hindi pwede, dahil gusto mo ng kaibigan ko at ayaw ko siyang saktan."nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib ko. Para saan at bakit?

Di ko siya gusto...

"Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil masasaktan lang siya."dagdag ko pa, napatingin ako rito at hinintay siyang magsalita.

"But are you happy?"he said painfully, nagsimula namang mamula ang paligid ng mga mata niya. Napansin ko ang mga namumuong luha rito.

"Oo naman, dahil masaya rin siya."nakangiti kong sabi. Pilit pinipigilan ang sarili kong makaramdam.

Hindi mo siya gusto...

"Pero ako naman yung masasaktan."mahina niyang sabi sa pagitan ng paghinga niya.

Gusto kong umiwas sa paraan nang pagtitig niya, parang ni anong oras ay tutula na ang mga luha ko.

Pero di ko naman siya gusto, pero bakit ang sakit rito?

Marahan akong napahawak sa gitna ng dibdib ko.

Nakita ko ang marahan niyang pagpunas sa pisngi dahil may isang patak ng luha na tumakas sa kanang mata niya.

Ayaw ko lang masaktan ang kaibigan ko dahil meron lang siya at... ang lola ko.

"She's so lucky to had a friend..." huminga siya ng mahabang panahon,

"Like you."ngumiti ito ngunit lalo akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

Sobrang sakit. Huminga ako ng malalim ngunit di ko pinahalata.

"Mahal ko lang talaga ang kaibigan ko."matipid akong ngumiti, ayaw ko siyang masaktan.

Muli akong napayuko.

"Ang sarap mong magmahal kung ganon."natatawang aniya ngunit puno iyon ng sakit. Marahan akong napapunas sa pisngi ko dahil naramdaman kong basa ito. Umiiyak ako?

Napatingala na lang ako napatigil ako sa paraan na pagtitig niya, di ko maintindihan ang mga mata niya dahil malamig lang niya akong tinititigan.

"B-but she loves you too, kaya niya bang ibigay rin yung mga gusto mo?"tanong nito sa akin na may riin, nakakainsulto.

"Gusto ko, oo lahat ibinibigay niya."agarang sagot ko na may riin

Isang butil muli nang luha ang tumakas sa mga mata niya. Tumingin muna siya sa kisame bago bumalik sa akin.

"Kaya hilingin mo sa kanya na-"

"Na hilingin kita sa kaniya."pagputol ko rito, alam ko ang gustong sabihin niya. Ngunit iyon ang totoo, hindi ko siya gusto.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon