CHAPTER 15

136 35 1
                                    

Habang nasa bakasyon sila ay ito ako naghahanap ng pwedeng mapasukan na trabaho. Kahit sa kalinderya lang na waiter.

Kanina pa akong 7 ng maaga at ngayon ay mga mg-iisang oras na akong naghahanap.

Iniwan ko muna si Lola kay Manang doon sa tindahan niya. Sinabi ko pa na babalik kaagad ako.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang pagkakagulo ng mga tao sa isang maliit na tindahan, may mahabang pili ito, sumisingit naman ang iba at umaalis naman yung iba habang may dalang plastik.

Lumapit ako roon at sinilip iyon. Panidirya pala ito, may isang babaeng nasa kwarenta angedad nito, na agiga sa paglalagay ng pandisal.

Hindi alam kung sino ang uunahin niya.

Nakita ko naman ang paglabas ng isang matandang lalaki na marahil ay asawa niya.

May sinasabi ito at may itinuro naman ang babae, maya maya ay nakita ko ang paglabas naman ng dalawa nitong anak na naka pang-alis.

Napalingon ako sa mga reklamong naririnig mula rito sa mga nakapila, huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Pwede po bang pumila na lang po tayo, may mga nakapila po kase nauna po sila kaya dapat sila ang mauna."saad ko sa mga ito.

Maya maya ay narinig ko naman ang katahimikan ng paligid at nakapila sila ng maayos.

Mabilis ang naging pagkilos ng tindera dahil rito, nang umalis na ang lahat at wala na raw pandisal ay andito pa rin ako sa harap ng tindahan niya.

Iniisip kung pwede akong magtrabaho bilang katulong niya, kung papayag ito sana. Napansin kong napako ang tingin nito sa akin.

Napakagat na lang ako ng labi habang naglakad palapit rito. Napatigil ako sa harap nito.

"Iha kanina ka pa diyan kaso ubos na ang pandisal e."pagngiti nito sa akin.

Napailing ako, "Ahm… naghahanap po kase ako ng trabaho, kahit taga-abot lang ng pandisal po sa costumer. Kahit dalawang daan lang po kada araw."nakayuko ako habang nagsasalita.

"Wala po kase kaming kakainin ng Lola ko."tumingala ako at akala ko ay wala itong sasabihin kaya naisipan ko ng umalis.

"Sige iha, talagang kailangan mo e. At mukhang maayos ka naman magtrabaho, yung kanina mong pag-ayos sa pila… maraming salamat iha."pagngiti nito sa akin.

Ngumiti rin ako rito. "Bukas kailangan kita ng maaga rito hanggang makaalis ang mag-ama ko ay pwede kang tumulong o kaya maubos ang paninda at siguro yung sahod ay gagawin ko ng tatlong daan, ayos na ba iyon sayo?"

Napatango ako, "Sobra-sobra pa po."pagngiti ko.

"Ano bang pangalan mo iha?"tanong nito habang naglilinis ng mga nagkalat na plastic bag sa mahabang lamesa rito.

"Tria na lang po…"pagngiti ko.

Pagkauwi ko ng bahay ay iniisip ko pa rin yung sinabi ni Aling May na kung hanggang kailan daw ako nagtratrabaho ako sa kaniya.

Siguro ay hanggang kailangan, kapag natapos na ang bakasyon ay magtrabaho pa rina ko roon.

Mga alas otso naman ang simula ng klase namin. Para may dagdag na pang gastos sa gamot at pagkain namin.

Pagkarating sa bahay ni Manang ay sinundo ko na si Lola at umuwi ng bahay. Di nawala ng ngiti nito habang kumakain ng binili kong kanin at ulam ko.

Dalawang araw na at ngayon ay may pasok na. Pagkarating ko sa university ay nakita ko si Bea na nasa harap ng room namin. Walang reaksyon ang mukha nito. Habang pansin ko naman ng pagtingin ng mga tao rito.

Bully That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon