NANJ:18

1.2K 74 6
                                    

Jamie's POV

Hahaha. Naloko nanaman ako. Ang saya.

Si Hanah pala yung ex ni Jimin.

Tapos hindi naman sakin sinabi ni Sam. Matindi siya. Tapos magiiwan nalang siya pagbalik namin sa Korea?

Ano ba naman yan! Hindi man lang ako ininform.

Sana di ko na binalikan si Jimin. Pero wala namang kami diba? Tapos. Nililigawan niya lang ako nun. Pero eh ano. Bayad naman yung kapalit nun. So wala rin.

"Nak. Kakain na."

Sana hindi ko nalang nakilala si Jimin.

Pero mahal ko na siya eh.

Pagod na ako. Pagod na pagod na. 3 linggo ko na siyang binabalik-balikan sa ospital pero tinataboy niya ako.

Bakit? Eh kasi nga, mahal ko siya. Pero, ang natatandaan niya, mas mahal niya si Hanah. Hindi ako. Tyaka duh. Di niya nga ako kilala eh.

"Ma! Pupunta ako ng ospital!" Sabay tumakbo na ako palabas ng bahay. Wala akong pakielam kahit hindi pa ako kumakain. Basta, gusto kong makita si Jimin.

Pero pagdating ko sa ospital.. Naabutan ko sa labas na sasakay palang si Jimin sa kotse.

"Jimin!"

"Jimin!"

Hindi siya lumilingon kaya tumakbo nalang ako papalapit sa kaniya sabay niyakap siya.

"Jimin." Kumakalag siya at pilit akong tinutulak palayo sa kaniya pero yumakap ako ng mahigpit.

"ANO BA!"

"LAGI KA NALANG NANG IISTORBO AH. PWEDE BANG MAWALA KA NA!? HA!?" Hindi parin ako kumakalag.

"Jimin, i love you."

"Pwes, ikaw lang. Hindi kita mahal!" Nakakalag na siya pero hinigit ko siya ng hinigit.

"Natatandaan mo ba yung binayaran ka ni mama para manligaw sakin?"

"Natatandaan mo ba yung akala ko na gusto mo talaga ako?"

"Natatandaan mo ba yung napaniwala mo ako na gusto mo ako?"

"Hindi. At wala na akong balak makaalala pa. Kaya umalis ka na! Istorbo ka! Sobra!"

_______________

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon