Jamie's POV
"Oy kingina mo Pink-- WAHAHHAHAHA" Paninita ko sana sa kanya kasi nahuli ko siyang....
I mean silaaa... ni Seokjin...
Nahuli ko na minamasahe ni Pinky si Jin.
Haha ponyita akala ko kung ano. Sarap na sarap si Jin eh BWAHAHA!!
"HOYY NADUDUMI KA NANAMAN TONG BABA--"
Sigaw sakin ni Pinky pero di ko na siya pinatapos ng pagsasalita at tumakbo nako palabas at nag-ihaw ulit ng bbq.
Nakakaistorbo ata ako. Lol.
3 months na pala ang nakaraan at December na ngayon simula nung nakalabas ako sa hospital.
Maraming nangyari pero ayos naman. Kahit wala akong maalala.. ATA..
Kahapon kasi may napaniginipan ako pero hayaan ko nalang yun. Basta masaya ako ngayon ok na.
At umamin na din pala sakin si Taehyung na hindi talaga kami. Natanggap ko naman agad kasi inexplain naman niya ng maayos.
Sama-sama pala kami ngayon dito sa beach resort nina Hoseok sa may Sonyang-myeon.
Ooooo bigatin sila tas sikat pa. Akalain niyo yun.
Pano kaya kami naging close?
"Psst. Tulungan na kita?" Bigla namang lumapit sakin si Jungkook.
"Lol wag na hahaha. Baka makasama pa yan sa ilong mo." Sabay pinitik ko naman yung dulo ng ilong niya.
"Aray! Tinutulungan na nga ayaw mo pa. Tss." Umupo nalang siya sa may tabi ko.
"Eeeehh tampo agad to. Arte mo ha." Napansin ko naman na tinitigan niya ako na parang sinasaulo ang bawat sulok ng muka ko.
"Alam mo babae maganda ka sana pangit ka lang." At dahil sa sinabi niya sinuntok ko naman siya ng mahina sa balikat.
"Aba tang-- hayy.. Bastos nito. Hoy mas matanda ata ako sayo." Tinuloy ko na ulit ang pag-iihaw.
"Isang taon lang naman yon. At pwede rin akong magkagusto sayo." Bigla naman siyang tumayo.
"Ehhh bata ka par---....."
Napatigil naman ako sa pagsasalita nang masink in sakin yung mga huli niyang sinabi.
At pwede rin akong magkagusto sayo...
Aalis na sana siya pero napasigaw ako.
"HOOOOOY JEON JUNGKOOK!!" Lumingon naman siya habang nakasmirk.
"Hoyy teka nga. Ano sabi mo?"
"Na pwede rin akong magkagusto sayo?" Straight forward niyang sinabi.
"Eeeeehhh?? Marunong ka na niyan ha. Wala ka maloloko dito." Napailing ako.
Hahaha nakuha ko na.
"Alam mo sa iba ka magpractice ng pag-gaganyan ha. Wag sakin. Tyaka kung aamin ka sa nagugustuhan mo, bitawan mo muna pagpapacool mo." Napakamot naman siya sa batok.
"Hahaha. Talino mo talaga noona."
Sabi na.
Akala niyo rin ano?
Pero hindi yan.
Isang araw kasi nakinig ko na ginanyan niya si Pinky pero ganyan din ginawa ng matalino kong pinsan.
Lel.
"Weh baduy mo. Tulungan mo nalang ako maghain. Tapos na to." Tumango nalang siya.
Mabait din naman yan. Minsan nga lang hehhahha.
................
"Sarap talaga ni Jamieeee." Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni Hoseok.
"Tangina mo ha! Bastos mo! Kumakain tayo." Pananaway ko sakanya sabay binatukan siya.
"Hindii naman.. HAHAHHA i mean ang sarap magluto. Ito naman. Napakagreen mo talaga ha." Tapos nginitian naman niya ako.
"Weh hokage ka lang hyung. Tss." -jungkook
"Palusot mo. Type mo lang yang katabi mo eh."-taehyung
"HOY TAMA NA NGA.. OY WAG KA MANINIWALA SA MGA YAN." Pag-eexplain ni Hoseok sabay pinandilatan ng mata yung dalwa.
"Eh baka naman tunay?" Banat ko
Tapos sabay-sabay silang nag...
"OOOOOHHHHH!!!"
Napangiti naman ako hahah.
Puta pangit ni Hoseok HAHAHHAAHA hindi pangit na literal I mean yung muka hindi maexplain.
Baka magera ako ng fans niyan nako hahahaha. Iba na ang panahon ngayon.
Yun habang kumakain kami ng masaya bigla namang may dumating na sasakyan..
"Andito na pala siya ehhh." Sabi naman ni Yoongi at napatigil sila sa pagkain.
Bumukas naman yung pinto nung sasakyan. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.
May lalaking lumabas. Kulay itim ang buhok. Hindi masyadong matangkad. Medyo maputi.
"Jimiiiiiinn!!" Sabay-sabay naman silang tumakbo papunta sa lalaki at niyakap nila.
Sinong Jimin?
=======================
Elow musta kayo? Hehehe update after a long hiatus.
I missed you gaiss.
Comment naman kayo para malaman ko kung ilan pa kayong nagmamahal saken.
Sana naenjoy niyo ha. Sa susunod ulet.
BINABASA MO ANG
Nililigawan Ako Ni Jimin
FanfictionNililigawan ako ni Jimin at paker siya. (EDITING) (2015) Date started: 2/20/15 Date end: ----