NANJ: 26

1.1K 58 2
                                        

SEOKJIN'S POV

Nandito lang kami sa room ni Jamie, nanunuod ng tv since bakasyon pa naman namin kaya eto binabantayan siya hanggang magising.

"Jin. Labas muna ako kakain lang." Paalam ni Pinky.

"Samahan na kita?"

"Wag na. Gusto ko din munang mapag-isa."

"Okay."

"Hyung, tanda mo yung nanood tayo ng 50 Shades of Grey? Yung free cut tayo." Tugon ni naman Jungkook sa tabi ko pagkalabas ni Pinky sabay patay sa tv.

"Oo nga tapos nagtatalo pa tayong mga tukmol gawa nung title." Napairap naman ako.

"Ulol kayo lang." Sabay-sabay naman kaming nagtawanan at napabuntog-hininga ng malalim.

Kelan kaya mababalik yung mga oras na yun?

"SHIT!" Sigaw naman ni Taehyung sa may kama ni Jamie kaya napatakbo kami agad.

GISING NA SIY-----

"Layuan niyoko!!! Alis!! Masasama kayo!! Wag niyokong lapitan!!!" Pagwawala niya kaya isa isa namin siyang hinawakan sa magkabilang braso at nagpatawag ng doktor.

"TAMA NA AYOKO NA!! PAPATAYIN NIYA AKO!! PLEASE AYOKO NA!!" Sino ba tong tinutukoy ng babaeng to?

May lahing pagkagago talaga eh.

"T-Tama na Jami--ARAY TANGINA!! Tumigil ka nga!!" Sabay pasok naman nung mga nurse at agad na may tinurok sa kanya.

Maya-maya, nanghina na rin siya sa kakaiyak at kakasigaw at nakatulog.

"Doc ano pong nangyayari sa kaibigan namin?" Tanong ni Hoseok habang alalang-alalang nakatingin kay Jamie.

"Maybe it's because of the traumatic shock nung accident. Pero wag kayong mag-alala, pag gumising ulit siya, ok na siya." Huli naman nitong sabi bago nagpaalam at umalis sa kwarto.

"Hay, ano kayang nangyari kay Jamie?" Pag-alala ni Yoongi.

"Naks, concerned? Uso na pala yon sayo." Epal ko naman sa madramang scene.

Fuck. Ayoko talaga ng ganito.

Yun nalang ang tanging paraan para mapagaan ang atmosphere.

"Gago ka hyung. Dapat dramatic tong moment. Hashtag drama hashtag atm." Sinapok ko tuloy tong ilong na to.

"Tigil-tigilan mo yang paghahashtag mo kundi mamaya makikita mo nalang, ikaw na ang dinadalaw namin dito." Seryosong sabi ni Namjoon.

"Grabe naman kayo mga hyung. Minsan na nga lang ako magpatawa. Di niyo pa naappreciate." =_=

Andrama pota.

"Oo nalang."

......

Nagising naman ako sa may kama ni Jamie nang parang may kumukulbit sakin.

"G-GISING KA NA!?!?" Bigla naman siyang nag-ssh sakin.

"Ay hindi kaluluwa lang ako. Fake to Jin. Fake. Tyaka wag ka nga maingay baka magising ang mga ulupong." Sabay ngiti niya sakin.

Namiss ko yung ngiti niyang yon. Tulad ng dati.

Napatingin naman ako sa lima, tulog na nga.

"Psst. Gutom nako. Paabot nga nun." Sabay turo niya sa basket ng mga prutas.

Na sa pagkakaalam ko, ay wala naman to kanina bago kami magsitulog?

Bahala na. Basta tanggapin nalang natin ang grasya.

"Ngayon mo lang ako mauutusan ha. Wag aabuso." Sabay lapag ko nung basket sa kama.

Kumain lang siya at halata ngang gutom na gutom at naubos yung isang piling ng saging.

"Ano ba nangyari sayo? Pinag-alala mo nanaman kami eh." Bigla naman siyang napatigil sa pagkain at seryosong humarap sakin.

"Jin. Wag mo to sasabihin sa iba, pero nakita ko si Hanah Kim sa taxi." Napaisip naman ako.

Patay na yun ah?

"Imposible naman ata yan. Patay na siya nang maaksident---- TEKA NGA NAAALALA MO SIYA!?!?" Bakit kilala niya yon?

Samantalang nung nasa recovery pa siya, pinaghalo-halo niya yung mga pangalan namin. Si Yoongi daw ako tapos si Jungkook naman daw ay si Namjoon etc.

"H-Hindi ko din alam eh. Basta parang nakilala ko siya agad."

"Patay na si Hanah, Jamie. Imposible yong mangyari." Umiling siya.

"Totoo ang sinasabi ko."

"Hindi nga. Baka naghahallucinate ka lang kasi bumabalik na ang ala-ala mo. Magpahinga ka nalang." Tumahimik naman siya.

"Pero totoo talaga yun." Sabi niya bago buksan yung tv habang kumain.

*flashback*

From: 010683*****

Sir wala na po si Miss Hanah. Time of Death: 10:28 a.m.

Nabigla naman ako sa text nung nurse sakin na nagbabantay kay Hanah.

Wala na siya.

To: 010863*****

Miss totoo ba to o wrong send ka lang? Andyan na ba yung pamilya niya? Saan ang lamay niya?

From: 010863*****

Sir andito na po yung relatives niya at alam na po nila. Gusto din daw po nila ng private na lamay at ayaw nila ng ibang bisita.

Kahit may nagawa siyang mali, naging magkakaibigan rin naman kami nina Hanah.

Naging one of the boys rin siya bago sila nagbreak ni Jimin sa hindi malamang dahilan.

Basta isang araw, umalis nalang si Hanah ng walang paalam at nang makakuha kami ng impormasyon tungkol sa kaniya, may bago na pala siyang boyfriend kaya tinigilan na din namin siya.

Ayaw din naming masaktan pa ang dalawa kaya pinabayaan na namin sila.

At dun naman dumating si Jamie.

Nakamove-on kaming lahat ng dumating siya at nagsimula ulit. Hindi niya kami sinaktan kahit mahilig yong mangtrashtalk pero masaya naman kami. Mabait din yon kahit kalahating tatanga-tanga.

Pero ba andaming nangyayari ngayon na hindi dapat mangyari?

Si Hanah, wala na. Si Jamie, nacoma. At si Jimin? Nawawala parin, 2 linggo na ang nakalipas.

Sana maayos na agad ang lahat.

*end of flashback*

====================

Hi guys sorry sa delay ng ud. Start na kasi ng pasukan namin tyaka madami agad na projects. Di ako magkanda ugaga sa mga gagawin ko at nakisabay pa ang pagsosold-out ng tickets sa epilouge. Tanginis guys. Kaya eto naisipan ko munang magtype kasi stress na stress na ako. :--(((

Bago pa nga ako makaisip kung paano ko pagdudugtungin yung mga scenes, nabubuhol kasi sa utak ko.

Sorry ulet pero baka matagalan ulit ang sunod na update kaya medyo hinabaan ko to. ^^

Salamat sa patuloy na nagbabasa!! HAPPY 11.4k!!

Dont forget to vote and comment!

ⓒ JIMINIUM

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon