NANJ: 4

1.8K 111 4
                                    

Jamie's POV

"Sino siya Nash?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo dun sa katabi niyang buntis.

"Ah.. Eh. Baby, si Jamie. Jamie si Baby." Napakamot naman siya sa may ulo niya.
Teka, so Baby talaga ang pangalan??

"Kaano-ano mo siya?" Tanong ko.

"Ah girlfriend.. Ni kuya." Yun naman pala. Hays. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Eh sinong girlfriend yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Jamie tara na. Matatapos na yung palabas." Aya sakin ni Jimin.

"Potanechi ka Jimin. Manuod ka nalang dun kasama yung tropa mo. So Nash, sino nga?" Sabi ko habang tinataboy si Pandak.

"Diba ikaw ang girlfriend ko? Hindi pa naman tayo nagbrebreak diba?" Sabi ni Nash na parang nalungkot siya. 

Ay tange. Oo nga pala. Cool off lang kami.

"Ehe. Oo nga noh!" Sabi ko at napahawak sa batok ko.

Teka, tumahimik ata si Pandak? Problema neto??

"Jamie gusto mo pumasok ka muna?" Napatingin naman ako kay Jimin.

"Hindi na. May pinapanuod pa kasi kami eh." Oy. Hindi naman yung sobrang ano na palabas. Grabe naman kayo. 

At tinangay ko na si Jimin.

"SINO SIYA JAMIE!!?" Rinig kong pahabol ni Nash pero hindi ko na siya nilingon.

Napatingin naman ako kay pandak na may 6 na pandesal sa tiyan.

"Oh anong nginingisi-ngisi mo diyan?" Tanong ko pero nakatawa parin siya.

"Muka kang tanga diyan. Umayos ka nga." Sabi ko nang makarating kami sa tapat ng gate nila.

"Masaya lang ako kasi nahanap kita. Akala ko naligaw ka na, buti nalang nakita kita. Akala ko mawawala ka na."

H-hhha? A-anong problema neto?

"At lalong masaya ako kasi ako yung pinili mo kesa sa kanya." Ginulo naman muna niya yung buhok ko bago pumasok sa gate.

Biglang parang bumaliktad naman yung tiyan ko at nang-init ang pakiramdam ko. Siguro mostly, sa muka? Oo. Katangahan. -_- Ano to!?

Pero alam kong hindi ito ang first time na nagyari sakin yung ganito.

Bumukas naman ulit ang gate at nakasilip yung ulo ni Jimin. Ulo niya sa taas.

"Kinilig ka noh!" Sabi niya na may nakakalokong ngiti.

"Hindi rin." Saka ko siya binatukan.

"Eh bakit nakangiti ka diyan!? Umamin ka na kasi--aray!!" Inipit ko naman siya sa gate.

At biglang may nagtext naman sakin....

'Parating na prof natin. 2nd subject.' 

HALA POTA.

=================
-JIMINIUM-

Ayan yung kadugtong nung buntis thingy. Sakit sa ulo. Tinatamad ako.

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon