Pinky's POV
"Jamie, hindi mo to kailangan gawin." Paninita ko sa kanya pero uminom parin siya ng isang boteng alak.
"Jimin..."
"Tama na!" Tyaka ko naman hinigit yung hawak-hawak niyang bote.
"Ganyan na ba talaga ang gagawin mo? Yan nalang? Magpapakatanga ka nalang sa lalaking yan!?"
"Ano bang *hik pake mo P-pinky?! Hindi mo alam.."
"Hinde. Hinde. Tara. Aayusin kitang lintek ka." Hinigit ko naman siya palabas sa bar namin pero bigla naman niya akong sinampal sabay tinulak.
"T-tigilan mo na ako Pinky. Wala ka na magagawa." Tapos naglakad siya ng naglakad at pilit akong tinatakbuhan.
"Jamie. Tama na!" Hanggang sa makarating siya sa gitna ng daan.
Oh Diyos ko po, wag niyo pong ikukulay green yung ilaw.
"Pinky kailangan ko si Jimin." Tapos bigla namang may umaandar na truck mula sa kaliwa niya.
"J-JAMIEE!!" Wala na akong nagawa kundi ang umiyak habang tinitingnan siyang duguan sa gitna ng daan.
Pero pinilit ko paring puntahan siya kahit sobrang nanghihina na yung mga paa ko.
"J-jamie wag.. Please.. Tulong!! Tulong please!!"
............................................
Nandito ako sa hospital ngayon at nagiintay parin ako sa resulta ng operasyon sa kanya.
Naisipan ko namang tawagan si Jin.
"J-jin."
[Umiiyak ka ba?]
"S-samahan mo ako please.."
[Ayoko sumama sa demonyo. At walang wifi sa impyerno.]
"ANO BA KIM SEOK JIN! HINDI KA NA BA MAGIGING SERYOSO!? NABANGGA SI JAMIE! NABANGGA SIYA NG TRUCK!" At bigla na niyang binaba yung tawag.
Pagkalipas ng ilang minuto dumating na si Jin.
"A-asan na siya?" Sakto namang lumabas yung doktor.
"D-dok.. Please.. Kamusta po y-yung pinsan ko?" Naiiyak na ako hindi lang sa kaba pati na rin sa takot.
"Ginawa na namin lahat ng makakaya namin. Pero lumabas na she is in a state of coma. At wala na samin ang desisyon ng buhay niya. Sorry." Napaluhod naman ako sa narinig ko.
"P-pinky.." Sabay naman niyakap ako ni Jin.
"K-kasalanan ko to Jin." Bulong ko.
"Pinky.." Tumayo na ako.
"Tawagan na natin si Tita."
.....................................................
"Pinky asan si Jamie!???" Sabay-sabay na tinanong nila Hoseok sakin.
"Andun. Tara."
Pagpasok naman ng budots, tahimik lang silang nakatingin kay Jamie.
"Pinky, hindi mo ba ipaaalam to kay Jimin?" Tanong ni Namjoon.
"Anong karapatan niyang makielam pa dito? Eh siya nga ang may kasalanan ng kaputang inahang ito!" Sabay namang nilapitan ako ni Jin at pinakalma.
"Pinky.. Sorry." Biglang sabi ni Jin.
"Sorry Pinky.." Sabi naman ni Yoongi.
"Anong sorry? Ang labo niyo!"
"P-pinky.. Kasi.." Sabi ni Namjoon.
"Alam naming.. Nakakaalala talaga si Jimin." Sabi ni Jin.
"Anong... Anong nakakaalala?"
"Nagpanggap lang siya pinky." Sabi ni Taehyung.
Hindi ko alam pero bigla kong nasampal si Jin pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya.
"Eh gago din pala kayo eh. Unang una, BAKIT HINDI NIYO SINABE!? BAKIT, PINAGBANTAAN BA KAYO NI JIMIN!? HA!? PANGALAWA, BAKIT SAKIN KAYO NAGSOSORRY. DIBA DAPAT KAY JAMIE!? AT HULI SA LAHAT, JIN. JIN.. HINDI KO NA ALAM." Naluha nanaman ako. Pagod na ako.
Buti wala dito si Tita. Bumibili pa siya ng pagkain. Ayaw niya kasing nakikitang umiiyak ako.
"Magpapaliwanag kami.."
"Hindi! HINDI! Umalis na kayo! Please lang! Anong karapatan niyong bumisita dito!? Eh mga hayop nga pala kayo." Lumabas na yung budots maliban kay Jin
"PINKY! MAKINIG KA! PLANO YON NI JIMIN PARA BALIKAN NIYA ULIT SI JAMIE. HINDI YUN PARA SA SARILI NIYA! MAKINIG KA! AT INTINDIHIN MO NA HINDI NAMIN ALAM NA GANITO PALA ANG MANGYAYARI!" Sigaw sakin ni Jin.
"B-bakit.. B-bakit ganun pa?" Nanghihina na ako.
"Sana intindihin mo." Niyakap naman niya ako.
Hindi ko na talaga kaya. Pero please, Jamie, sana gumising ka na.
BINABASA MO ANG
Nililigawan Ako Ni Jimin
FanfictionNililigawan ako ni Jimin at paker siya. (EDITING) (2015) Date started: 2/20/15 Date end: ----