Jimin's POV
Fuck. Kasalanan ko to lahat. Kung hindi dahil sakin hindi na madadamay si Jamie sa kabaliwan ni Hanah.
"Bakit gising kapa?" Tanong ni Taehyung.
Wala akong masabi. Wala akong maiharap na muka sa mga kaibigan ko.
"Wag na nang mag-isip ng kung anu-ano diyan. Kasalanan nating lahat kung bakit nawawala si Jamie ngayon. Hindi natin siya iningatan. Sa oras na kailangan niya tayo, dun pa tayo wala kahit lagi naman siyang andiyan para satin." Dugtong niya.
Napakaswerte naming lahat kay Jamie. Kahit madalas, kaming budots yung mahilig mag-asaran, mararamdaman mo talagang may kulang tuwing nawawala siya sa tabi namin.
Inalagaan niya kami. Pinagkatiwalaan. Pinaniwalaan na may mararating. Pinayuhan. At minahal.
Pero anong binalik namin sakaniya? Paghihirap. Sakit. Aksidente. Pananakit ko sakanya. Tangina ko talaga.
Bakit yung taong gustung-gusto kong protektahan, lalo pang napapahamak nang dahil sakin!?
"Mahal na mahal ko siya Taehyung. Tuwing tinitingnan ko siya sa malayo, nakikita ko kung gano siya kasaya. Kung gaano siya kaligtas. Sana noong una pala lumayo na ako sakanya." Napaluha na ako sa galit.
"Mali ka Jimin. Kung mahal mo talaga siya, tutulungan mo kaming ibalik yung dating tayo. Tutulungan mo kaming maibalik yung ala-ala niya kung gano niya tayo kamahal, kung gaano ka niya kamahal." Payo niya naman sakin habang tinapik ang balikat ko.
Oo. Mali talaga ako. Sorry Jamie. Sana mapatawad mo pa ako.
_________
10:50 P.M
" Jin. Hindi ko na kaya. Walang kwenta yang mga pulis na yan. Hindi man lang ginagawa yung trabaho nila! " Galit na sigaw ni Pinky na bumasag sa katahimikan namin.
" Pinky kumalma ka na muna. Alam kong nag-aalala ka pero lahat tayo nag-aalala dito." Pagpapakalma ni Jin.
" Hoy Jimin! Sabihin mo kung anong alam mo! Wag mo kaming pinagtataguan. Alam kong may alam ka sa pagkawala ni Jamie!" Lalapitan na niya ako para saktan pero buti nalang napigilan siya ni Jin.
" Pinky ano ba!? "
" Pwede ba. Wag niyo na akong tangahin. Eh yang kaibigan niyo siya lang naman may dahilan ng lahat ng to eh! Noong una pa lang, sana hindi na siya dumikit ulit sa pinsan ko!"
"Tama na Pinky. Sising sisi nako sa sarili ko. Tangina naman oh! Oo ako na. Ako na lahat. Pero wag mokong sisihin na bumalik ako sakanya. Mahal ko siya. Kahit anong iwas ang gawin ko, pinipihit parin ako ng paa ko papunta sakanya! Paniwalaan niyo din naman ako. Hindi sa lahat ng oras dapat sakin niyo isisi to dahil wala akong alam sa plano ni Hanah! " Galit kong sagot.
Pagod na ako.
" HANAH? HAHAHAHAHHA Jimin ituwid mo nga yung utak mo. Patay na yung ex mo!" Sumbat sakin ni Pinky.
Wala kang alam.
" Buhay siya. Kung ayaw niyong maniwala, ako nalang gagawa ng paraan para maligtas si Jamie. Ako nalang MAGISA."
"Gago ka pala eh!" Biglaang tumayo si Yoongi hyung palapit saking hanggang sa saluhin ng muka ko ang dala niyang kamao.
"Tumigil kayo!" Pananaway ni Namjoon hyung.
"Isipin mo nga yang pinagsasabi mo hyung? Hindi magandang biro yang sinasabi mo." Dagdag ni Jungkook
"Ulitin mo sinabi mo!" Sigaw sakin ni Jin hyung habang hawak ang damit ko.
"Totoo sinasabi niya. Buhay si Hanah." Singit ni Taehyung.
Ha!? Paano niya nalaman!?
----------------------------------------------
Hi author nim here! Thank you sa patuloy na pagsuporta sa storyang ito. Mahal na mahal ko kayo!
Thoughts about the new cover? Hehehe self-support self-edit.
BTW, update niyo ako sa Bangtan. Nagkaron ng 3 year hiatus si Author sa pagiging dedicated ARMY eh :'--(
Mianhae Jimin and BTS, I've failed you. Huhuhuh. Who else here took a hiatus sa pagiging fangirl? Share ur story down in the comments section!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ✨
BINABASA MO ANG
Nililigawan Ako Ni Jimin
FanfictionNililigawan ako ni Jimin at paker siya. (EDITING) (2015) Date started: 2/20/15 Date end: ----