NANJ: 27

1.3K 82 21
                                    

JAMIE'S POV

Nakalabas na ako ng ospital after 2 days at ok na naman ang pakiramdam ko.

Hinatid muna nila ako papunta sa bahay ko bago sila umalis. May shooting daw kasi ang mga tukmol.


Well, magsasarap buhay sana ako kaso parang may kilabot akong naramdaman pagkabukas ko ng pinto.

Hay nako. Ayoko na munang mag-isip. Magbubuhay baboy muna ako.

So naligo muna ako kasi ilang araw din ako sa ospital, bago dumeretso sa pagmomovie marathon.

Saktong paglipat ko sa Star Movies, ang palabas ay If I Stay.

Yung kwento niya eh nacoma yung babae tapos yung kaluluwa niya eh nag-gagala sa ospital.

Shit. Ano kaya ang feeling nung naganyan ako? Ang hirap siguro tingnan ng sitwasyon ko para kanila Pinky at Mama.

*footsteps*

Nalaglag naman ang hawak kong baso nang makarinig ako ng naglalakad sa may kusina.

Shit!! Hindi-- guni guni ko lang yon.

P-pero parang palapit ng palapit sakin... Yung yapak...

"Wag kang gagalaw kung ayaw mong may umagos na dugo sa leeg mo." Pagbabanta nung boses lalaki.

At sa pagkakataong iyon, naiyak na ako nang may maramdaman akong malamig na metal sa may leeg ko.


Lord.. Tulong po.


"S-sino ka? Please.. P-please. Wag moko sasaktan. P-please." Pagmamakaawa ko sa kanya habang humihikbi.


"Bakit kasi kailangan mo pa yung gawin? Bakit Jamie?" H-huh? Kilala niya ako?


"A-ano bang pinagsasasabi mo!?!"

"Wag kang magpakainosente. Maraming taong nadamay, hindi lang ikaw." Hindi ko talaga siya magets.


"Wala akong alam sa sinasab---"

"JAMIE!!! JAMIE!!! BUKSAN MO TONG PINTO!!!" Bigla namang may kumatok sa pinto kaya tumakbo paalis yung lalaking manloloob.

Nakahinga ako ng maluwag at pinilit na buksan yung pinto kahit nanginginig parin ako kakaiyak.

"J-Jimin!!" Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.


"Ok na. Ok ka na." Pagpapatahan niya at niyakap pa ako ng mas mahigpit at hinalikan sa ulo.

*lubdublubdub*

"S-salamat. Salamat." Sabi ko bago humiwalay sa yakap at pumasok kami sa loob.

"Ok ka lang ba? Anong nangyari?" Tanong niya pagkagaling niya sa kusina na may dalang tubig.

"M-may lalaki. Pinasok ako dito. May dalang kutsilyo. Buti dumating ka." Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Tawagin mo lang ako kapag may masama kang nararamdaman o kahit ano. Promise, andito lang ako lagi." Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Sorry din pala. Sorry sa lahat. Sorry." Hinimas ko naman yung likod niya para sabihing 'okay lang'.

"Ok lang yon. Wag ka mag-alala."

"Sorry ulit. Sorry." Humiwalay naman siya at hinawakan ulit ang kamay ko at tumitig doon bago nagsalitang ulit.


"Alam mo ba kung gano ako nagsisi? Kung paano ako naguilty sa lahat? Pinagsisisihan ko yon lahat. At naiinis parin ako sa sarili ko tuwing nakikita ka. Napakasama ko talaga. Napakasama." Ngumiti naman ako sa kanya.


Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon