NANJ: 24

1K 60 5
                                    

SAM'S POV

Patuloy ko paring sinusundan yung taxi kung saan nakita kong sumakay si Jamie.


Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Pero gusto ko siyang makausap.


Gusto ko siyang kamustahin. Kausapin.



Pero hindi ko kaya.



Napansin ko namang lumiko yung taxi sa may highway na wala masyadong sasakyan.


Nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod na nangyari dahil nakita ko nalang na bumukas ang pinto ng taxi at may gumulong na babae!!!


SI JAMIE!!!!



At ilang distansya nalang ay muntikan ko na siyang mabangga, mabuti nalang at hindi masyadong mabilis ang pagpapatakbo ko!!


Tumakbo ako sa kaniya at nakita siyang sugatan, walang malay.


"SHIT JAMIE! GUMISING KA PLEASE!" Tinapik ko ang kanyang mga sugatang pisngi at dinala nalang siya sa kotse ko para ihatid sa ospital na dating pinanggalingan niya.

Sinugod siya sa ER at pagkaraan ng ilang oras ay nilagay na siya sa isang kwarto.


"Kamagkaanak po ba kayo ng pasyente sir?" Tanong sakin nung doktor.


"H-hindi po. Nakita ko lang po siya nang maaksidente." Napabuntog-hininga nalang ako.


Wala kang kwentang kaibigan Sam. Noon pa man.


"In state of mild coma ang pasyente pero hindi naman masyadong malala ang damage sa kaniyang ulo. Siguro after 1 to 2 days, magigising na ulit siya. Buti nalang iho at dinala mo agad dito si Jamie." SHIT NANGYAYARI NANAMAN!!


"D-doc, please wag niyo po siyang papabayaan." Pagmamakaawa ko sa kanya bago ito umalis.



Pumasok ako sa kwarto niya at naluha sa nakita ko.


Bakit ganito pa ang dapat mangyari!?!

Hinawakan ko ang ulo niya at hinalikan ito.



"Maging matibay ka Jamie. Alam kong masasaktan ka pa pero iingatan parin kita. Pangako yan." Umupo naman ako sa tabi niya at pinagmasdan ang maamo niyang muka.



"Tangina. Ang hirap. A-ang hirap." Nakokonsensya nanaman ako.


Paano kaya kung pagkabalik namin galing Japan, hindi ko agad siya iniwan sa ere?


Paano kaya kung andito lang ako sa tabi niya palagi?


Edi sana marami ang hindi nangyari.


Sana, nakagawa ako ng paraan.


"Sorry Jamie pero may dapat akong gawin. Sorry pero kailangan ulit kitang iwan." Sabi ko bago lumabas ng kwarto niya at tawagan ang kaniyang pinsang si Pinky.


SOMEONE'S POV

*ringring*

"Hello?" Sagot nung lalaki sa kanya.

"Oo andito siya sa dati niyang ospital. Instate of mild coma raw siya. Pero wag ka mag-alala, magigising pa naman siya." Sabi nung lalaki bago ibaba ang tawag.

Bago pa man umalis ang lalaki ay sinilip niya muna si Jamie na nakabandage ang ulo, sugatan at walang malay na nakahiga nanaman sa kama.

Nilagay na niya ang hood niya at umalis na rin nang maabutan niyang tumatakbo ang babaeng si Pinky mula sa dulo ng hallway.




[End of chapter]
======================

A/N: Short update gais cos its 12:30 A.M na at tyaka gusto ko lang haha.

Tanda niyo pa naman si ugok na Sam? Yung kababata ni Jamie tyaka nakasama niya sa Japan? Ehehe.

At gaaaiiss!!! HAPPY 10K! OMG HINDI NIYO ALAM KUNG GAANO AKO NAFLUTTER.

And seriously thank youu talaga. Sa mga voters, readers at lahat. Di ko alam kung bakit may nagtiyatiyaga pa saking tamad na author na to. Pero dahil mahal ko kayo magsisipag na din ako.

Sunud-sunod na updates soon!


Actually short story lang naman to kaya mabilis ang mga happennniingssss kaya wag kayo magtaka.

Baka magpost din ako ng future stories kaya abangan niyo ha! Asahan niyo, aayusin ko na talaga to this time.

Enjoy this chapter!!

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon