NANJ: 15

1.2K 75 0
                                    

Jamie's POV

WELCOMEE BACKK TO KORIYAAA! Ow zhit. I miss my land.

"Tara na girlfriend." Bigla namang tinangay ako ni Sam kasama yung mga bagahe ko.

"Gago. Girlfriend? Ang feeler mo naman. Gago ka talaga." Tyaka ko naman inalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ikaw kaya ang feeler. Girlfriend means babaeng kaibigan." Pag-eexplain niya.

"Abay putang ina mo. Ginawa mo pa akong feeler. Hanga na talaga ako sa kagaguhan mo." At naglakad na kami.

"So san mo na balak pumunta?" Tanong ko kay Sam.

"Sa puso mo." Sabi niya sabay kindat. Puta pangit eew. 

"Edi wow." Tapos sumakay na kami sa taxi. Grabe. Nakakapagod naman yun. Kahit saglit lang kaming nagbiyahe, feeling ko pagod na pagod talaga ako.

Jetlaagg af.

..

"Gising na antukin!" Bigla namang may sumigaw sa tenga ko. Ok naman.

"Gagooo!" Napahikab naman ako sabay binatukan si Sam the great slash the gago.

"Andito na tayo sa bahay niyo. Nagtext yung mama mo, nasa party daw siya." Hay nako. Party nanaman. -_-

"Sige pumasok ka muna." Sabi ko kay Sam.

Nauna naman siyang pumasok pero bigla namang lumabas siyang ulit.

"Ah. Yuka. Ano eh. Parang binagyo ata yung bahay niyo." Napakamot naman siya sa ulo.

"Hah? Binagyo? Eh si mama, imposibleng kalatan ang bahay. Sige. Ikaw na nga muna diyan sa mga maleta." Pumasok naman ako sa bahay at...

PUTA OO NGA. Bakit tanggal yung mga frames!? Basag yung mga vase? At basta, napakagago naman ng gumawa nito at alam kong hindi to alam ni mama.

Lumabas naman ulit ako at nakita ko naman na may hawak na box si Sam.

"Ano yan?" Sabay nguso ko dun sa may box.

"Ah sabi nung lalaking dumaan, ibigay ko daw sayo eh. Manliligaw mo ata." Tapos inabot niya sakin yung box.

Ganda ko naman. XD

"AHHHHH!" Bigla naman akong napayakap kay Sam at naiyak sa takot nang makita ko yung laman nung box.

"Shh shh. Y-yuka.. Tang inang tarantado yon!" Tatakbo na sana siya pero bigla ko namang hinigit yung braso niya.

"S-sam. Samahan mo muna ako dito." Sabi ko tapos tumango nalang siya.

Nakakatakot. May picture ako dun sa loob ng box at puro dugo ang laman. May kasama pang mga patay na bulaklak.

================================
JIMINIUM's property. Please do not plagiarize.

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon