NANJ: 6

1.4K 99 28
                                    

Jamie's POV

"Ah may sasabihin pala ako." sabi ko habang nakangiti. 

Sasagutin na kita pandak, sasagutin na.

"Ako rin." Sa wakas, nagsalita na siya. Pero ang lamig. At parang malungkot siya. Pero hindi naman talagang malungkot. Ay sasaya to panigurado.

"Ako muna. Jimin--"

"Ako muna." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Sige." Excited kong sinabi. Syempre, masaya eh.

"Jamie hindi kita gusto." Sabi niya.

Teka ano? Ano daw? Ano yung sinabi niya? H-hindi? Ako? Gusto? Hindi talaga? Tama ba yung narinig ko?

"Jimin wag mong gagayahin si Hoseok sa pagjojoke kasi kahit ikaw, hindi maganda magjoke. At alam mo yung sasabihin ko, sasabihin ko lang naman na sinasagot na kita." Sabi ko na walang preno.

"Hindi yun joke." Seryoso niyang sabi.

"Eh talaga?" Tanong ko, tumango siya.

"Seryoso?" Tumango ulit siya.

"Walang halong biro? One hundred percent seryoso? Hindi ka nagbibiro?" Tanong ko.

"Oo." Maikli niyang sagot. So hindi niya talaga ako gusto...

"Jimin.. Bakit!? Bakit hindi mo ako gusto? Bakit niligawan mo ako kung hindi mo ako gusto? Wag mo namang dagdagan yung nangyari kanina oh. Dapat bukas nalang o kaya sa susunod na linggo. Bakit ngayon pa? Putang ina mo naman oh. Putang ina talaga." At naiyak na ako.

"Edi kung bukas o sa susunod na linggo, nasagot mo na ako? Edi mas masakit?" Tanga ko talaga. Tanga. Tanga. Tanga.

"Sabagay. Pero b-bakit nga?" Tanong ko tyaka naman siya huminga ng malalim.

"Kapag sinabi ko, wag mo siyang kagagalitan. Kapag sinabi ko, intindihin mo siya." 

"Puta oo. Kahit sino man yan. Kahit pinsan ko pa yan. Kahit lola ko. Kahit lolo. Kahit tito,tita. Kahit si Yoongi. Kahit si Hoseok. Kahit si papa. Kahit si mama." Paibitin naman to oh. Nakakagago tuloy.

"Yun nga eh. Nanay mo." Tang ina ano daw? Ano daw ulit?

"Anong meron kay mama? Sabihin mo." Ano bang meron si mama? Meron siyang anak, ako yun. Meron siyang asawa, si papa. Meron siyang regla. Meron din siyang napkin.

"Inutusan niya ako na ligawan ka kapalit ng pera." Sabi niya na wala man lang reaksyon sa muka.

Teka, ano pa bang ineexpect ko? Kaputang inahan nanaman? Mag-eexpect pa ba ako ng reaksyon dito eh hindi nga niya ako gusto.

"Ok." Tanging nasabi ko at napatahimik nalang habang umiiyak. 

Umalis nalang siya. Papalayo sakin. Malamang. Anong gusto niyo, aalis siya tapos lalapit sakin? Ang tanga. Tanga. Tanga. Teka ako yun ah. Tanga ako.. WOOOOH!

Ang sakit naman. Shet na malagket. Bakit ganito sila? Ang bilis naman ng mga pangyayari. Anong problema ni Jimin? Anong problema ni Nash? Anong problema ko? Anong problema ng mundo? Anong problema ng universe? Anong problema ng galaxy? Anong problema ng stars? Anong problema ng asteroids? Anong problema? Bakit kailangang mangyari to?

============================
JIMINIUM's property. 

Haha. Ang bilis no. Kabwiset. Tinatamad na talaga ako. Litsi.

Nililigawan Ako Ni JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon