SA WARI ay namanhid si Jessica sa labis na gulat. Ang una niyang reaksyon ay itulak ito ay patikiming muli ng sampal subalit tila mas may puwersa ang mga bisig nitong pumulupot sa katawan niya. Pumiglas man siya ay tila sa wala rin iyon mauuwi.
At pagkuwan ay nabuhay ang mga pandama niya sa halik na ginagawa ni Ted sa kanyang mga labi. Nawalan ng anumang kilos ang buong katawan niya. Ang isip niya ay nakatuon sa sensasyong tila ginigising ng paggalaw ng mapangahas nitong labi.
May hatid na mumunting kiliti ang bawat dampi nito sa bawat sulok ng kanyang labi. Ang dila nito ay tila nanunuksong pasukin ang loob ng kanyang bibig. Namungay ang kanyang mga mata. Sa isang pagsagap niya ng hangin, sumabay ang pagbuka pa ng kanyang bibig at sinamantala iyon ni Ted upang mas palalimin nito ang halik.
Tila kinuryente ang naging pakiramdam ni Jessica. Sa bawat pag-angkin nito sa kanyang mga labi ay tila mayroong mga mumunting apoy na nasisindihan sa loob ng kanyang katawan. Saglit lang at kusa nang yumakap ang mga braso niya sa leeg nito. Ginaya niya ang paggalaw ng labi at dila nito.
At isang ungol ang isinukli doon ni Ted.
He kissed her thoroughly. At pagkuwa ay tinapos nito ng halik.
Nang bitawan siya nito, noon naman niya tila naramdaman ang pagkapahiya.
Nais niyang kastiguhin ang sarili. Ano ang nakain niya upang mag-react ng ganoon gayong itinuturing niyang kaaway ang lalaking ito?
"Jessica," he said gently at hinaplos ng dulo ng daliri nito ang basa pa niyang mga labi. "Look at me," banayad na utos nito.
Hindi siya agad tuminag. Kumilos pa ang kamay nito upang bahagyang itaas ang kanyang baba.
"Bakit mo ako hinalikan?" mahina ang tinig na tanong niya.
"You're beautiful," sagot nito. "I can't help myself. I enjoy kissing you. Sana ay nasiyahan ka rin."
Napatitig siya dito.
"Good night, Jessica." At bago pa siya nakahuma, mabilis nitong niyuko ang kanyang mga labi at dinampian iyon ng halik. "See you tomorrow."
Diretso nang tumalikod si Ted. Nang marating nito ang pintuan, lumingon ito sa kanya at ngumiti bago tuluyang lumabas doon.
Wala naman siyang tinag sa kanyang kinatatayuan. Narinig niya ang ugong ng kotse nito hanggang sa matanaw niya ang paglagpas nito sa malaking gate.
Noon pa lamang siya tila natauhan. Pero hanggang sa tinungo niya ang kanyang silid, pakiramdam niya ay para siya nakalutang sa ulap.
Palaisipan kay Jessica ang pangyayaring iyon. Hanggang sa nakahiga na siya ay mailap sa kanya ang antok. Hinahanapan niya ng dahilan at kasagutan kung paanong nauwi sa halik ang paghaharap na iyon.
Subalit bago niya mahanap ang sagot, ang mas nangingibabaw sa isp niya ay ang alaala ng halik.
At ang sarap ng pakiramdam na dulot ng halik na iyon.
"NAKATULALA ka, Jessica. Ano ba ang nangyayari sa iyo?" pansin sa kanya ni Shirley habang magkaharap sila sa almusal. Kasalo nila kanina si Don Maximo subalit nang may tinanggap itong tawag ay nagpasintabi ito at tumuloy na sa library.
Umiling siya. "Wala, Tita."
"Wala?" arok nito. "Hindi ako naniniwala. Malalim ang iniisip mo. May problema ka ba?"
Umiling siya muli. "Siguro naninibago lang ako. Biruin mo, dati-rati, paggising natin ay kakain lang tayo ng kung ano ang natira natin noong gabi. Huwag lang na di malamnan ang tiyan natin ay nasisiyahan na tayo at pagtatrabaho na ang nasa isip natin. Tingnan mo ngayon, paggising natin, may nakahanda nang almusal. Parang eat-all-you-can palagi. At hindi tayo mag-iintindi ng bayad sa bahay, kuryente at tubig. Para tayong tumama sa lotto."
BINABASA MO ANG
Jessica
RomanceI don't know what hit me. But when we kissed, I felt some magic touch my heart. I even had sleepless nights. I was so restless. All I think was the magic of our kiss. Sampalan agad ang eksena nang unang magtagpo sina Jessica at Ted. Para sa kanya...