Chapter 42 ♥ Lab Istori 101: RaEu

210 8 0
                                    

Eunice's POV


Bwiset. Nakakaleche siya. Sabi na eh, 'di talaga ako mahal. Paasa siya. Ginawa niya lang akong rebound. Hayup! Ayan nanaman naiiyak nanaman ako! Sino ba kasi siya para iyakan ko?! Siya lang naman si Rance Vin Ong, ang lalaking pinakamamahal ni Eunice Jane Castro, na niloloko lang pala siya dahil mahal parin niya si Fiona Janine Garixx, na first love niya na super ganda at model!



Eh ako? Isang simpleng babae lang. Anong laban ko sa isang model? Paki explain nga! Buti na nga lang, graduating na siya at puro practice lang sila kaya maliit ang chance na magkita kami. Pero miss na miss ko na siya.


*Flashback*


-The day after Abby's birthday. Bluroze Farm-


Nag-ikot ikot kami ni Rance dito sa farm, ang ganda nga eh. At buong farm talaga ang pinareserved, kaya walang istorbo dito. Ritskid eh. Haha!



Hinawakan ko 'yung kamay ni Rance, he looked at me and smiled. "Kinikilig nanaman ang baby ko, ah?" sabi niya at pinisil ang ilong ko.



"Aray ah!" reklamo ko. Pumasan ako sa likod niya para hipan ang tenga niya, tangkad kasi hirap ma-reach.



"Hahahaha—Eunice!" Banta niya. Kaya nag-behave na lang ako sa likod niya. "D'yan ka lang talaga?"



"Oo," sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. "Ayaw mo ba?"



"S'yempre, hindi." He said. "Kahit mabigat ka, makulit ka, at super daldal mo. Mahal na mahal parin kita, ikaw nga di ba ang princess ko?"



"Corny mo parin, Rance!" biro ko. "I love you baby ko!" And kissed his cheek.



"Gusto ko lagi kang masaya, ah?" sabi niya, nagdadrama nanaman lolo ko. "Wag kang lalapit sa mga boys, pag wala na ako sa school, okay? I trust you."



"Opo sir!" I said. "Ikaw lang sapat na baby ko."



"Kelan ka pa bumalik sa pagka-jejemon?" nandidiring aniya



"Joke lang!" nag-pout ako at saka bumaba sa likod niya. Tumingin ako sa mata niya. "Natatakot ako,"



"Bakit? Nandito lang naman ako, ah?" Umiling ako. I intertwined our hands and keep on walking.



"Kasi baka pag may nakita kang ibang babae don sa university na papasukan mo, i-break mo ako." malungkot na sabi ko. Totoo 'yun, mas malaki ang sakop ng college noh! Lalo na't iba na kami ng school, for sure ang daming pwedeng mangyari.

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon