Chapter 31 ♥ Pains

409 13 0
                                    

Rence's POV

"Shh~ Don't cry. I love you."

Pakingshit! Ugh! Sabi ko di ko na siyang hahayaang masaktan. Pero ano 'to? Umiiyak nanaman siya. At wala ako sa tabi niya. Gusto ko sa tuwing masasaktan siya, iiyak siya nasa tabi niya ako, para may masandalan siya sa tuwing nanghihina na siya. Pero di ko nanaman nagawa.

'Slow mo kasi Rence naunahan ka tuloy!'

"J-Jake?" I heard Abby's voice. And with that I left them.

Mahal ko si Abby, pero ang pinapalabas ata ng tadhana, si Jake talaga ang para sa kanya. Wala na nga siguro akong magagawa.

"Brother-in-law!"

"Hoy, Rence!"

"Rence Patrick!"

"Aba bingi?!"

"HOY ONG!!!"

"Ay pucha?!" Gulat na sabi ko "Eunice? Ano nanamang problema mo?"

"What's with the face, nigga?" she asked at umakbay pa sa akin, inalis ko rin naman. "Wala 'to" I said coldly

"Potek, broken ka noh?--oops! Wag ka ng tumanggi dahil alam na alam ko. Future sister-in-law mo ako eh!" Tss, inlababo na kay kuya 'to. Haay. Buti pa sila masaya na.

"Kamusta kayo ni Rance?" pagbabago ko sa topic, umupo kami sa umbrella, at nagmasid-masid

"Haay, ang sarap niyang mahalin. Hahaha!" Ewan ko ba bakit nagkagusto si kuya sa isang baliw na babae. "Alam mo ba, ang sweet-sweet pala ng kuya mo? Grabe kinikilig akoooo~"

"Tss, masama yan. Masyado kang naiinlove sa kuya ko, masakit ang bagsak pag masyadong taas ng expectations."

"Alam mo ikaw!" dinuro-duro pa niya ang noo ko "Napaka-nega mo!! Wag mong idamay ang lovelife mo sa lovelife ko ah? Di porket sawi ka kay Abby, eh isasawi mo narin ako!"

"Feeling close ka talaga noh?" pabirong singhal ko "Aba?! Ako pa FC, umpog kita sa sahig eh! Kaya nga kita nilapitan para matulungan kay Abby, but it looks like, ayaw mo. Okay madali lang naman ako kausap eh." At kinunsensiya pa ako? Tss. Baka maniwala ako -_-

"Bahala ka d'yan." pagmamatigas ko

"Okay, madali naman kausap ang sissy ni Abby eh." haay oo nga pala! Siya pala ang sister-kuno ni Abby.

"Okay, okay. Papayag na ako." sabi ko

"Wow? Mukhang ako pa 'tong namimilit ah? Tse!" at aktong aalis na. Mga babae talaga, masyadong pabebe. Pinipilit ka, kung kelang pumayag ka na, tsaka sila namaan ang aayaw. Haay napaka pabebe. Pasalamat tong Eunice na 'to, konektado siya kay Abby at Kuya, kung hindi sinapak ko na 'to eh!

"Fine, fine. Tulungan mo na ako," nakangiting sabi ko.

"Walang please?" PATIENCE RENCE PATIENCE!

"Pleaseeeee"

"Okay." She said smilling. "Uy, si baby ko!" tumakbo na siya papunta kay kuya, haay. Sila na may magandang lovelife. Umupo na lang ulit ako sa bench, at pinanood silang maglambingin.

"Hoy baby ko bakit di mo ko pinapansin?!" nakapout na sabi ni Eunice kay Rance.

"Hala? May ginawa nanaman ba ako? Nakakainis ka naman Rance eh! Bahala ka nga diyan! Kung ayaw mo, wag mo!" Sila na nga may kasalanan, pag di sila agad pinatawad sila pa galit, haay girls talaga -__-

Teka nga bakit ba nag-eavesdrop ako dito? Buwiset yan. Kelan pa ako naging chismoso?

"Aish sorry baby. Wag kasing lumapit dun sa pangit mong kaklase. Si ano--si Raf--aish basta yun!" Sus. Nagseselos rin pala 'tong kuya ko? Hahahahahaha! Sarap niyang tawanan putek!

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon