Chapter 23 ♥ Press Con

442 13 4
                                    

Rance's POV

"BAE-byyy!"

Ang clingy talaga ng girlfriend ko. Sa totoo lang, ayoko sa mga babaeng super clingy, pero pag siya na, nawawala na lahat, lalo ko lang siya minamahal. Ugh, Rance what the hell are you saying, I'm being so corny! fcvk.

"Huhuhuhu, hindi na ako pinapansin ng bae kooo. huhuhuhuhu~! Ayaw niya na sa akin!" Hala ayan na ang topak niya! Naniniwala na ako na mag-"SISSY" nga sila ni Abby, parehas na topakin eh. 

"Eunice, argh, shhh~ iloveyou, baby. Ano ba, don't think like that, hindi ako ganun. " Pinagdikit ko ang noo namin, I smiled. She's beautiful, ayoko ng pakawalan ang babaeng to. "I will always at your side, I will always love you, pumuti man ang uwak."

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya--- *BOOM*

"What the?!" singhal ko sa pumasok. Nandito kami sa hide-out kaya libreng makapasok to si Rence. Badtrip si brother. 

"Buwiset!" sabi niya at binagsak ang katawan sa sofa, nagpipigil naman ng tawa si Eunice, lagi na lang nauudyok ang kiss namin!

"Anong problema mo, oy?" tawag ko kay Rence

"Si Darren?" Imbis na tanong niya

"Malay ko dun, may date sila ni Nathalie eh." sabi ko

"Ah! Fuckers!" kumuha siya ng beer sa ref, at tinungga ito.

'May masamang nangyari.'

"Si Mr. Playboy, broken nanaman, ah?" 

"Pwede ba, kuya?" iritang sabi niya

Pag tinawag niya akong kuya, ibig sabihin nun, galit na siya. Baliktad noh? Baliw yan eh.

"Umiiyak nanaman siya?" tanong ko

"Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pain, ang mga sakripisyo niya, at kung gaano niya kamahal ang isang gago!" binato niya ang bote sa pader, buti na lang at di kami natamaan. Sinenyasan ko si Eunice na lumayo muna siya, dahil masama mabadtrip si Rence, alam ng lahat na napaka kulit neto at laging nagbibiro pero pag siya na lang, ibang-iba na siya, para na siyang beast. Sa bawat joke niya, kapalit nun ang lungkot at hinanakit niya.

"Ayokong-ayoko nakikita siya ng ganoon ang itsura niya, she's not worth the pain. Bakit ba naman sa dinarami-raming babae siya pa?" He laughed, bitterly

"Natatakot ako paggising natin bukas, sila mama at papa, naaawa ako sa kanila."

HINDI PWEDE. Alam ko ang tinutukoy niya, argh. 

*   *    *

Abigail Joy's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas, buti na lang medyo di na kami ang issue, mukhang nakalimutan na rin nila. Buti naman!

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon