Chapter 44 ♥ Abigail the Great!

263 8 0
                                    



ABIGAIL JOY'S POV




May karapatan ba akong masaktan ngayon? Okay lang ba magalit ako? Pwede ba akong umiyak kasi super sakit na eh. Ang hirap panoorin ang taong mahal mo kasama ang ex niya at naghahalikan.




Gusto ko nang umalis. As in lumayo, tumakbo, sumigaw at magwala! 'Di ko na kaya 'to. I closed my eyes at saka umalis nang umiiyak.




"A-Abby?" nakita ako ni Rence pero 'di ko siya pinansin wala akong lakas magsalita, gusto ko lang umiyak hanggang mawala ang sakit sa puso ko. Call overacting pero masakit talaga, kung alam niyo lang.




"Anong nangyari? San ka ba galing? May mumu ba sa cr?" nag-aalalang tanong ni Rence. I don't know why I have this urge to hug Rence. I just want someone to comfort me.




"A-Abby," I hugged him tightly. Saka umiyak ng napaka lakas. "What's wrong?"




"Ang sakit-sakit, Rence! Bakit ba lagi niya na lang ako sinasaktan? Eto na nga ako eh, nagpapakatanga nanaman ako. Naniwala na ako sa kanya!" sabi ko kay Rence na kino-comfort ako.




"Ano ba ang nangyari?" he asked, again. "Sabi mo 'di mo sila susundan kasi may tiwala ka?"



"May tiwala ako, pero pinakita lang ni Darren na mali ang pagkatiwalaan ko siya!" sigaw ko. "Ang sakit! Sabi niya ako? 'Yun pala si Nathalie parin! Kingina lang?" bumitaw ako sa pagkakayakap.




"Abby ano bang sinasabi mo? Baka malaki lang 'tong misunderstanding huh?" seryosong sabi ni Rence "Let Darren explain his side first."




"D'yan kayo magaling eh!" singhal ko, kinuha ko ang bag ko sa waiting shed. "Ipagtakip ang kaibigan niyo! 'Di niyo ba maget ang nararamdaman ko?!"




"No, Abby you're wrong!" singhal ni Rence na ikina-bigla ko. "Trust Darren. His words are true. He can prove it to you just trust him." kalmado na siya ngayon but he's still holding my wrist.




"Rence, give me a break! Please lang?!" nagtitimping saad ko. "Walang pumasok sa utak ko, I want to rest. Bye!"

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon