Chapter 2 ♥ Mad Rabbits!

923 24 7
                                    

Haay. Unang araw ng klase sa bagong school. 4th year high school na ko, tapos pinalipat pa ako ni papa, actually naiintindihan ko naman kasi nga dati nasa isang public school  ako, pero dahil daw graduating na ko kailangan na makagraduate ako sa isang magandang school, kaya nandito ako sa Empire Academy.



Ang Empire Academy, ay kilala bilang isang napaka gandang school dito sa Pilipinas, hindi basta basta ang nakakapasok dito dahil mayayaman, dito karamihan nag-aaral ang mga artista at anak ng mga politiko't business man. Siguro nagtataka kayo kung paano naman nakapasok ang isang nobody at walang sense na babae na gaya ko?!



Dahil lang naman sa aking utak. I'm not saying matalino ako, average lang. I take the scholarship exam dito, at thank God napasa ko naman. Ghad, mahigit 2 months napudpod ang utak ko kakaaral, ha? kaya nga nalate ako ng pasok.



'FIGHTING, ABBY! KEBER MO TOO!!'




Oo, super duper akong kinakabahan, dahil nga puro rich kids ang nandito, di ako sanay, duuuuh? Galing akong public school since elem, tas ngayon nasa private na ko? Di lang basta private to.



"Excuse me, Miss!" sita sa akin nung guard kaya nilingon ko siya, agad naman niya akong nilapitan. "San po sila?"




"Student ho ako dito, kuya guard." sabi ko. Hindi kase ako naka-uniform kaya siguro ganun. Nagpapatahi pa daw kase si papa.




"Haay nako, miss wala akong time makipagbiruan, mabuti pang--" pinutol ko siya




"Oh!" tinapak ko mismo sa mukha niya ang form ko na mapapatunayan na enrolled talaga ako.




"Ahh." napapahiyang sambit niya, "S-Sorry," sabi niya at umalis.




'Kaloka tong si Kuya Guard, lalo tuloy akong nalate.'




Hinanap ko yung section ko, "Ahaaa! 4-B!" bulaslas ko nang nakita ko kung ano ang section ko.




"Hala na..." bulong ko sa sarili ko 'DI KO ALAM KUNG PAANO PUPUNTA! COOKIE NG INA'NG YAN'




Dalawang makaking building kase ang nakikita ko, at di ko alam kung saan, left ba o right?

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon