Chapter 41 ♥ Lab istori 101: KaCa

260 12 4
                                    

Karl's POV


Ang sakit pala ma-broken hearted. Feeling ko 'yung puso ko, wala na eh. Kitang-kita ko kahapon kung paano landiin ni Clarence 'yung bestfriend ko! Naknampusa! Sarap suntukin!



"Hoy bakla!" tawag sa akin ni Eunice, siya 'yung kasama ko ngayon dahil pareho kaming broken hearted. "Nakikinig ka ba sa kwento ko?!"



Itong babaeng 'to kahit kelan ang ingay ng bunga-bunga. Ang daldal. "Hindi!" balik singhal ko. "Kaya ulitin mo."



Umiyak nanaman siya sa harap ko. Tss. Mahina pala 'to sa lalaki eh. "B-Bakla naman kasi eh. Si Rance eh—Waaaaaah!" Tinabihan ko siya at niyakap. 'Di ako marunong mag-comfort ng babae.



"Mahal parin ni Rance 'yung pers lab niya eh!!—Waaaaaah!—Ang sakit bakla! Mahal na mahal ko siya, 'yun pala rebound lang ako! Naknampucha! Lalaki lang siya bakit ko ba siya iniiyakan?!" I just hugged her. Masakit kaya maging rebound. Pero tama namana, lalaki lang 'yun. 'Di dapat iniiyakan.



"Shhh~" pag tahan ko sa kanya. "Baka naman maling akala lang yan, baks?"



"Maling akala?! Ginagago mo ba ako?" Nakng? Ako pa na gago? "Kitang-kita ko! Kausap niya sa phone, naka-video call pa! Ang landi!" Lalo siyang umiyak.



"Tapos, ang ganda pa nung first love niya! Punyemas. Wala akong panaman!" I caressed her back, para tumahan. "Di man lang siya nag-explain! Wala! Tinignan niya lang ako."



"Break na kayo?" I asked



"H-Hindi. Ayoko! Mahal ko siya eh! Pero 'di parin kami nag-uusap eh." Malungkot na saad niya.



"Kung masakit na, pakawalan na baks. Mahirap 'yan. Pakawalan na hangga't maaga pa, pag tumagal 'yan mas lalong masakit." Sabi ko. Gaya ngayon? Kung matagal ko ng inamin sa sarili kong gusto ko rin si Nica edi sana masaya na kami ngayon.



"Kakayanin ko." sabi niya, she wiped her tears. "Ikaw ano naman drama mo d'yan?"



"Tss. Wala." Tinusok niya 'yung tagiliran ko. "Wala raw, utut mo ah! Nica ka pa eh!"



"May Clarence na 'yun. Bakit pa ako sisingit?" Bitter na sabi ko



"Ang bilis mo naman gumive up! Ipaglaban mo naman 'yang love mo! Parang 'di ka lalaki eh!"



"Oh?!" S-Si Nica ba 'yun?!


Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon