Chapter 36 ♥ Nathalie's downfall

392 12 5
                                    

Abigail Joy's POV

Nakaupo kami ni papa sa may dulong table, malapit sa may salamin. Nang makita ko ang dalawang pamilyar na tao sa may hallway ng CR nitong resto-bar. Di ako pwedeng magkamali eh, si Jake at Nathalie yon. Sila yon!

"Ah, pa?" sabi ko papa na busy um-order. "Excuse po muna, gamit lang ako ng restroom." paalam ko, tumango siya kaya tumayo na ako.

Di pa ako nakakalayo dahil biglang tumawag si Eunice sa phone ko, sinagot ko 'to habang papalapit sa kanila.

"Sis, later ka na tumawag. S-Si Nathalie at Jake magkasama at--at myghad." I said and ened the call.

Hawak-hawak ko yung phone ko, habang papalapit sa kanila.

"Mahal parin kita." -Jake

"Jake ano ba."- Nathalie

HUMAYGHAD. THIS CAN'T BE HAPPENING! Nagtago ako sa isang side kung saan di nila ako makikita. Nakasandal si Nathalie sa pader habang kinulong siya ni Jake at hinahalikan ni Jake. DI KO KAYANG IDIGEST ANG NAKIKITA KO.

"Bakit siya pa kasi ang mahal mo? Pwede naman ako na lang? Di kayo magiging masaya. Dahil sa akin ka."

"Jake, ano ba? Lasing ka na. Hindi ako si---" Natigilan magsalita si Nathalie dahil may narinig kaming shutter ng camera.

'What the? May nakakita rin sa kanila.' Aalis na ako baka makita pa ako.

"ABBY?!" Shiz! Nakita ako! Noooo! Humarap ako sa kanya. "A-Anong ginawa mo dito?" kinakabahang tanong niya

"Uhm, magc-cr sana ako eh, but then mukhang busy kayo kaya aalis na lang ako." sabi ko ng nakangiti.

"Idelete mo yan." sabi niya, looking to my phone na hawak ko.

"Huh? Ano ang idedelete ko?"

"Innocent bitch!" akmang sasampalin niya ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya. "Hey, let go of me!"

"Hindi ako gaya ng iniisip mo, Nathalie." Alam kong ako ang pinagbibintangan niya na ako ang kumukuha ng picture. Umalis na ako. At nagsimula na kaming kumain.

Nakita kong umalis si Nathalie, hindi niya kasama si Jake, dahil driver lang ang kasama niya. Lalo akong nagagalit kay Nathalie. Paano pag nalaman 'to ni Darren? Masasaktan yun. Paano ko siya macocomfort kung FO na kami?

"Is that Jake?" napalingon ako sa dereksyon tinuturo ni papa. Akay-akay si Jake ng driver niya. Halatang lasing talaga.

--

2am na kami nakauwi ni papa. Dahil di pa ako makatulog at may Prom hang-over pa ako. Nag-internet muna ako sa phone ko. Nag-upload ng pictures.

"Mahal parin kita." -Jake

"Jake ano ba."- Nathalie

"Bakit siya pa kasi ang mahal mo? Pwede naman ako na lang? Di kayo magiging masaya. Dahil sa akin ka."

Ano bayan! Di mawala sa utak ko ang nangyari kanina! May gusto si Jake kay Nathalie? Tapos itong si Nathalie nagpapalandi naman? Kasi kung ayaw niya naman yung ginagawa ni Jake di ba dapat tinulak niya 'to? Hindi mahinang babae si Nathalie, tss.

Kainis! Niloloko lang ba niya si Darren para asarin ako? Ano ba! Naguguluhan na ako.

*Toot Toot*

From: Eunice

Hoy babae! Ano meron kay Jake at Nathalie? Juskooo. Ikakamatay ko pa ata pag di mo agad sinabi!

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon