Chapter 48 ❤ Pabebe si Abby!

182 10 1
                                    


Darren's POV


I've been texting and calling Abby for few hours pero nirereject niya lang. Obviously, she's really angry. But the point is, hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang magalit? Why the earth she's angry?! Dahil ba doon sa amin ni Nathalie? Damn, I already explained that to her. 


Nandito ako sa playground, holding my phone and waiting for her reply or call like damn crazy! Gusto ko na 'tong maayos. Pilit kong iintindihan siya, siguro nga kasi may mali rin ako. I'm willing to swallow my fvcking pride because I love that girl, so much! Ayoko siyang mawala. Ang layo na namin. I gave up everything, I took all the risks ngayon pa ba ako susuko? Kahit alam kong bawal, kahit lahat mawawala. 


Inangat ko ang ulo ko, and I was shocked! Natulala ako kung sino ang nasa harapan ko. She's simple, yet beautiful. Abigail...


"A-Abby," tumayo ako sa kinauupuan ako. Pero mukhang nagulat din siya nung nakita niya ako. Tumalikod siya and started to walk away. "Teka, by!" Hinabol ko siya, I grabbed her wrist and gave her a back hug. 


'The smell of her hair is so damn great.'


"Please wag mo kong iwanan," I said my voice almost broke. Oo, nasasaktan ako. Kasi alam ko nasasaktan din si Abby and that is because of me! "Mahal na mahal kita."


"Darren," she was crying again. "Di ko alam. Naguguluhan ako." Hinarap ko siya and wiped her tears. 


"Mahal po rin ako, 'di ba?" I asked her seriously. "Kasi ako Abby, sobra-sobra." 


"I want space. I need some air. 'Di ko alam ang ginagawa ko." she said and she ran away.


Ako? Napasuntok na lang ako sa puno. Masakit eh. Wala akong paki kung 'yung kamay ko eh, dumudugo mas dumudugo kasi 'yung puso ko. Pinilit ko naman intindihin si Abby, e. Pero bakit hindi ko maintindihan? Ano ba 'yung magulo? Ako ba may mali dito?


Sumakay ako sa kotse ko at pumunta sa hide-out namin. Pagkadating ko sumalampak agad ako sa sala at uminom ng beer.


"Yow, bro!" bati sa akin ni Clarence. "Easy, ano ba ang problema natin?"


'Di ko pinansin 'yung mga tanong nila. Sige parin ako sa pag-inom. Wala akong paki kung bukas na 'yung graduation namin. Ang mahalaga s akin ngayon malimutan ang punyetang sakit sa puso na 'to.


"May nangyari na naman siguro." 


"Boss, tama na 'yan. Nakaka-ilang bote ka na, oh."


"Pare, magto-tropa tayo dito. Wag mong solohin ang problema mo."


Hinagis ko 'yung bote sa pader. "Bwiset! Napaka-walang kwenta ko!" Ngayon lang nila napansin na may sugat ako sa kamay. 


"Shit, Darren!" sabi ni Rence. "Dumdugo 'yung kamay mo. Takte ano ba nangyayari? Ngayon ka lang nagkaganito!"


Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon