Chapter 28 ♥ Peg-ebeg Thing

530 12 4
                                    

Abigail Joy's POV

MONDAY NA BUKAS! Back to school nanaman, haay. Bakit ba ang bilis ng araw pag walang pasok?! Nakakainis. Di pa talaga ako ready pumasok at humarap sa P6 na yan. Huhuhu, buhay estudyante nanaman.

*'Cuz inch of you is perfect from bottom to the up~*

'A text from Rence!' Ilang days narin ako nililigawan ni Rence, and admit it or not he's damn sweet. Buti nga di pa nagtataka si papa, dahil araw-araw nandito si Rence. We're not acting na parang lover-kuno kami, we still act as bestfriends, kahit may konting awkward. Di naman mawawala yun, di ba?

From: Rencey Rencyyy :)

Ano ginagawa mo, By?

To: Rencey Rencyyy :)

Nanonood ng Fairly Odd Parents :) Ikaw?

From: Rencey Rencyyy :)

Wala nga, eh :( I'm so bored. Gala tayo? :))

To: Rencey Rencyyy :)

Tamad ako! Iba na lang :)

From: Rencey Rencyy :)

:'( Dali naaa. I'll treat youuu. Boring talagaa

To: Rencey Rencyyy :)

Nandito si Daddy eh.

From: Rencey Rencyyy :)

Okay :( Can I call you?

Hala?! Magtataka nanaman si daddy pag may kausap ako sa phone. Gaya kahapon, ilang oras kami nagtelebabad ni Rence sa phone, nagtaka na siya. Baka raw may relasyon na kami. Buti na lang nalusutan ko, and nakumbinsi ko naman si Daddy na wala talaga kaya wala na siya duda sa amin.

Ayoko naman talaga lihiman si daddy about sa lovelife ko, gustong-gusto ko nga sabihin eh. Kaya lang, nung nagpahiwatig ako, grabe yung sermon na naabot ko, well not literally, sermon pangangaral lang na may authority.

"Pa, gagamitin mo po ba tong laptop?" tanong ko kay daddy na busy gumagawa ng office work niya.

"Osige, itabi mo lang diyan, I'll use it later." He said without looking at me. Nilabag ko sa center table ng sofa namin, tsaka ako pumunta sa kwarto ko at nireplyan si Rence.

Isang ring palang ng phone ko sinagot ko na ito. Ayoko paasahin si Rence, dahil sa nakikita kong situwasyon namin binibigyan ko siya ng maraming pag-asa. I'm just enjoying his company, nawawala lungkot ko, and he can ease the pain inside me. At alam ko sooner or later mamahalin ko na rin si Rence. But now, I just go with the flow, gusto ko sundin ang utak ko, kaysa sa puso ko. Ayoko ng masaktan ulit, tama si Rence eh, nasaktan na ako ng isang beses, di ko na dapat ulitin yun. I should be wiser this time.

"Oh, bakit?"

[Baka and'yan papa mo, ah pagalitan ka nanaman.]

"Hindi, nasa kwarto ako. Busy siya eh."

[Kumain ka na?]

"Oo, nagluto sa daddy ng beef stroganoff eh."

[Uy, masarap yun ah. Di mo man lang ako pinatikim.]

"Aw aw, nagda-drama ang isa d'yan! HAHAHA,"

[Namimiss ko na luto ni tito, eh.]

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon