Chapter 38 ♥ 17th Birthday Celebration (Darby part II)

536 14 4
                                    

Abigail's POV


"Nak, anong plano mo sa birthday mo?" tanong ni papa. Tinabi ko yung english novel na binabasa ko at saka nag-isip.



"Onga pala noh? 17 na ako sa Saturday. Ang bilis naman ng araw." I said. Feeling ko ang tanda ko na. Di bale, maganda parin ako! Bwahaha.



"Magsa-summer nanaman, why don't you go to a beach with your friends." suggestion ni daddy. Well, not bad. March nanaman eh. And puro practice na lang kami sa graduation kaya okay lang um-absent.



"Eh, mahal beach. Kahit private pool lang, keri na kami. Basta may pagkain. Ha-ha-ha!" totoo naman yun eh! Pagkain lang katapat ng tropa mo. Tsaka ayoko ng magastos. Mas pinaghahandaan ko yung debut ko eh. And college na ako sa next pasukan, mas maraming expenses.



"Why? Birthday mo naman, okay lang gumastos. And I have my budget." sabi ni papa. Ito talaga si papa ang gastos! Daig pa ang babae sa kagastusan.



"Eh, papa naman. May debut pa ako. Alam mo ba kaya ako nagtitipid kasi gusto ko bongga-cious ang debut ko!" sabi ko "Gusto ko, may pool sa venue, tapos ang daming foods, may red carpet, photobooth, ay basta! Yung pangmayaman ang dating! Kaya mag-ipon na tayo, pa!"



Nakangiti lang sa akin si papa habang tatango-tango. 'Ay di man lang natakot sa gastos? Ang mahal kaya nun! Nakwenta ko na yun eh, mga 200k something.'



"Hala ka papa? Adik lang?"



"Nah, wag mo munang isipin yang debut mo. Just focus on your 17th birthday."



"Okeh!" Nag-isip ako na magandang pag-celebrate ng birthday ko, pero cheap lang. Pero enjoy! Ano kaya?? Hmmmm...



"Bonfire na lang pa!" I said "Para tipid, pagkain lang tapos yung venue d'yan sa rootop ng condominium. Di ba papa?"



"Okay. Ako na bahala mag-fix sa venue. Just tell me the time and people who will come, okay?" Inayos ni papa yung mga papers niya at nilagay sa bag. "Alis na ako. Dito ka lang ah? Bawal gumala!" and then he kissed my forehead.



Na-banned tuloy ako gumala nakakainis! Kasi naman eh, di ako umuwi nung Friday. Dahil kay Darren. Kasi naman bakit ba naisipan kong maglasing?! At sa katangahan ko pa, kay Darren ko pala nasend yung message na dapat kay papa!



*FLASHBACK*



After kong ibaba yung phone. Dahil sa kahihiyan! Bwiset! Oo, lasing na ako. Pero duh. Alam ko parin ang ginagawa ko. At nakakahiya dahil kung anu-ano ang pinagsasabi ko kay Rence. Feeling ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Namumukha akong desperada!

Ang Bestfriend Kong GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon