Prologue

209 7 6
                                    

McKeila POV

"When you arrive there, make sure na hindi mo makakasalamuha ang mga kakilala mo sa Equestria lalo na sa Guild niyo" paalala ni Lucifer sa akin habang kumakain kami ng Dinner sa isang mahabang lamesa kung saan kaming dalawa lang ang naroroon

"I really don't know kung magagawa ko yan, Lucifer. Tadhana na ang mag lalaan ng panahon para dyan" Seryoso kong tugon sa kanya

"That's why you will enroll at Oomzeesia Academy, that is also part of the Top 3 school, right? And malayo sa Equestria, I mean 20 countries ang madadaanan bago mo mapuntahan ang Oomzeesia country mula sa Equestria country. Siguro naman hindi ka maliligaw ng landas" Lucifer said kaya naman napairap ako

"Fine, but wag mo akong sisihin kung makita nila ako, mahina pa naman ako sa taguan ng feelings" pabiro kong sabi sa kanya

"Anong feelings ang pinag sasabi mo dyan, McKeila? I dont care about your feelings as long as mag mukha kang spy para mapaniwala natin si Satan" He said at umakto akong nasaktan sa sinabi nya

"Ouch, wala ka ba talagang pakialam? Pag katapos mo akong kunin sa Ecroville at dalhin dito sa mundo mo, ganito lang isusukli mo?" Paawa kong sabi sa kanya at hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako

Tsk kala mo naman kung sinong boss siya dyan. Almost 2 years na ako dito sa planetang 'to, naudlot pa ang pag aaral ko pati na rin ang pangarap ko para lang sa kanya. Buti nga hindi ko sinaway ang mga utos niya dyan

Agad akong tumayo mula sa upuan at pumunta sa aking kwarto na kulay itim. Walang ibang makikitang kulay kundi itim.

Before I forgot, Nandito ako sa Zagraus Planet. Dito ako dinala ng kidnapper ko or should I say si Emperor Lucifer.

FlashBack

Bigla akong nagising sa maitim na kapaligiran. Unti unti akong tumatayo hanggang sa may makita akong lalaki na hindi ako pamilyar at napansin ko din na meron akong posas sa kamay at dahil sa posas na ito, hindi ko magamit ang powers ko.

"Sino ka?" Matapang na tanong ko

"You're McKeila, right?" He ask kaya tumango ako at ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari

"Promise me that you will not use your powers when I remove your handcuffs" sabi nya kaya napairap ako. Obviously, he kidnapped me, of course kapag nakalaya ako sa posas na nasa kamay ko ay lalabanan ko siya but since mukha syang sincere then maybe I will let him explain himself

"I Promise" I said at nawala ang posas sa kamay ko na parang bula

Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa unahan kung saan nandoon ang isang lamesa at may upuan na mahabang sofa. Agad niya akong ipinaupo doon at umupo siya sa isang upuan na hiwalay sa inuupuan ko

"Hindi na ako mag papadalos dalos pa, I need your help, please save us from Calamenus Planet" He said na nakapag pagulo sa akin

"Why would I? I dont even know you and where am I?" Naguguluhan kong tanong at nais kong mag hangad ng matinong sagot mula sa kanya

"You are now in Zagraus Planet" sabi nito na nakapag palaglag ng panga ko.

"Why am I here?" I immediately asked

"I want you to save all people here in Zagraus, hindi nila ginustong mapunta dito dahil halos lahat sila ay nakontrol lang ng mga taga Calamenus kaya sila napunta rito tulad ko" paliwanag niya kaya napatahimik ako

"Why did you ask my help? You can tell this matter to the Ecroville Class Wizards, I am sure na tutulungan nila kayo" sagot ko sa kaniya

"Really? They are the one who defeated us, they will not listen to us since they are believing that we are evil when the truth is we are being controlled by Satan" he said in low voice

"Marami akong tanong na gusto ko na itanong ngayon pero mas gusto ko malaman kung bakit ako? Of all people, why you choose me to save you?" Takang tanong ko

"From my Vision, I saw how you fight and how smart you are. Napag-isipan ko na maybe one day you can free us from Satan" he said

"Vision? Is that an ability of yours?" Gulat kong tanong

"Yes, and that is one of my special abilities" sagot niya sa akin

"This is my last question bago ko ikaw paniwalaan, Who are you and who is Satan?" Seryoso kong tanong

"I am the Ruler of Zagraus and Satan is the Ruler and as well as the most dangerous man in Calamenus." Pag papakilala nito sa aki

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nyang impormasyon. What should I do? Hindi ako pwedeng tumakas dito dahil hindi ko alam kung paano bumalik.

Nag dadalawang isip ako, gusto ko umayaw sa sinabi niya dahil sobrang hastle yun sa akin but may isang part sa akin na nagsasabi na dapat tulungan ko sila dahil this is my step to become one of the Ecroville Class Wizard at hindi ko ito palalampasin.

Should I reject or accept it?

End of FlashBack

As you can see, tinanggap ko ang alok niya and here I am, babalik sa Ecroville para maging spy kuno at utos yun ni Satan so wala akong magagawa.

At isa pa, sobrang bored na ako dito sa castle ni Lucifer, kailangan ko din mag aliw sa sarili ko.

I should prepare myself tomorrow for my comeback

Ecroville, I'm Back!

Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)Where stories live. Discover now