Suzanne's POV
Habang nag lalakad kami sa domain ni Wyvern, hindi pa rin ako pinapansin ni Xavier. Lagi na lang kami ganito, galit ba siya sa akin?
Oo, inaamin kong selosa ako pero hindi naman ako mag seselos kung maayos yung relasyon namin. Ako ang fiancé niya tapos sa iba siya nakatingin hayst.
"Xavier" pag tatawag ko sa kaniya at hindi niya ako pinansin
"I know galit ka sa akin, lagi naman. Pero sana hindi ito makaapekto sa mission natin" saad ko sa kaniya at hindi na naman ako nito pinansin
Mas binilisan niya pa ang pag lalakad animo'y hindi ako kasama. Sanay na ako sa ganitong ugali niya sa akin. Maybe, its my fault since pinilit ko lang siya sa relasyon namin at nakipagkasundo ako kay Tita Melody na ako na lang ang fiancé ni Xavier.
I thought, kapag nag tagal, tatanggapin na niya ako pero mas lalo lang lumayo ang loob niya sa akin. Mali ba ako na pinilit ko ang sarili ko sa kaniya?
"Suzanne, be careful. May undead centipede na muntik ka na kagatin sa likod mo" biglang salita ng isang tinig mula sa aking likuran at doon ako nabalik sa katotohanan
"Thank you, Gwen." Pag papasalamat ko sa kaniya at muling ibinaling ang atensyon ko sa paligid
Ang domain ni Wyvern ay punong puno ng mga skeleton. Karamihan sa kanila ay puro skeleton ng mga tao at ang iba ay mga skeleton ng hayop.
Kung tama ang pagkakaalala ko ay isang Necromancer si Wyvern kaya hindi na rin ako nag tataka na puro skeleton ang paligid.
Ang mga kasamahan namin ay kanina pa nakikipag laban sa mga undead na nandirito pero hindi sila lahat namamatay. Sa tuwing nag kakapira-piraso ang kanilang mga buto ay bumabalik ito sa dati kaya naman nahihirapan makipag laban ang mga kasama naming SS at S Class Wizards.
"Suzanne, ano ang plano mo? Paano natin sila lalabanan? Hindi sila tumitigil sa pakikipaglaban" biglang sulpot na tanong ni Matthew sa aking likuran.
Si Matthew ay isang S Class Wizard mula sa guild ko at itinuturing ko siyang kapatid kahit hindi kami magka dugo
"Ako na bahala sa mga undead na yan. Palibutan niyo akong lahat. Hindi ako pwedeng magambala sa spell na icacast ko. Need ko mag focus sa gagawin kong atake sa kanila" lintanya ko sabay ngiti
"PROTECT SUZANNE IN ANY COST, LET US SURROUND HER!" Sigaw ni Matthew at mga kasamahan namin ay mabilis na nag teleport papunta sa akin at pinaligiran nila ako.
Lahat ng mga undead ay tumingin sa aming direksyon at dali dali silang pumunta sa aming pwesto kaya sinimulan ko na mag cast ng spell.
"Holy Magic: Amaterasu's Cruel Sun" I said and a big magic circle appeared above us and a big sun came from the magic circle.
It is shining so brightly yet deadly that can make the undead turn into ashes.
Unti unti naming napapansin na ang lahat ng mga undead ay unti unting nalulusaw dahil sa liwanag na nag mumula sa Sun.
My power is also Holy Magic just like Karla. Kay Goddess Amaterasu nag mumula ang aking kapangyarihan. She is the Goddess of Sun and also her power is related to light that makes her more powerful.
"You're so cool Suzanne" pagpupuri sa akin ni Latisha na ikinangiti ko.
I hope Xavier will also see my effort. I am training myself to be more powerful and prove my worth to him but why can't he see it? Am I not enough? Kulang pa ba?
Sumali ako sa Ecroville Class Wizard para sa kanya at para malaman niya na worth it ako bilang fiancé niya pero lagi na lang niya binabalewala ako.
Simula nung dumating si McKeila, mas lalong lumayo ang loob niya sa akin. Ano ba ang ginawa ng babaeng yan para maging ganito ang asta sa akin ni Xavier
YOU ARE READING
Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)
FantasyAfter McKeila and others saved the Prime Minister of Ecroville, McKeila suddenly eaten by a magical warp. Everyone is panicking because of what happened. They don't know why she was eaten by a magical warp, or should we say, was kidnapped by an unkn...