Chapter 32

56 3 0
                                    

McKeila 2.0 POV

After ko pumunta sa bahay nina Lucifer agad akong bumalik sa aming guild. Pag pasok ko pa lang sa loob ng guild hall, maraming edlise ang sobrang busy sa kanillang gawain kaya kahit isa sa kanila wala akong makausap.

Bakit parang busy sila ngayon? Anong meron? 

Agad kong nakita si Airesh at mukhang papaalis na siya ng guild dahil napansin kong may malaking bag siyang bitbit. Mabilis ko syang pinuntahan at pinigilan sa pag lakad

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya

"I have a mission in Les Vaye Country, bye" sabi nito at mabilis niya akong iniwan na para bang nag mamadali

Anong meron dun? Ang bilis niya akong kinausap at tila ba'y nag mamadali siya sa pag alis dahil meron siyang importanteng pupuntahan 

Nakita ko naman ngayon si Crixx kaya siya naman ang pinuntahan ko dahil sa tingin ko ay hindi siya busy

"Crixx, anong meron ngayon? bakit parang halos lahat ay busy?" tanong ko kay Crixx

"Triple kasi ang mga rewards ngayon mula sa mission board kaya busy sila sa pag cocomplete ng mga missions na kinuha nila" sagot niya sa akin kaya napatango ako. Kung triple ang perang makukuha talagang kukunin yan ng mga members namin

"Gusto mo ba kumuha ng mission ngayon?" tanong niya sa akin kaya napaisip ako. Total bored ako at nababagot ako kakahintay sa araw kung saan susugod kami sa kampo ni Satan. Wala naman sigurong masama kung makikipaglaban muna ako ngayon. I will consider this a training for myself.

"Anong mission dito ang pinaka malaking pera ang makukuha and at the same time mahirap macomplete? Na miss ko na ang pag kukuha ng mga dangerous missions" sabi ko sa kanya at bigla niya akong hinila papunta sa 3rd floor ng guild at pumasok sa isang kwarto

Doon ako nakakita ng mission na nakapag pukaw sa aking atensyon.

"Pumili ka lang dyan sa mga missions dyan, I'm sure kapag nacomplete mo yan, magiging mayaman ka na dahil sa reward na makukuha mo" sabi ni Crixx kaya agad kong tinuro ang mission sa pinaka gitna ng mission board

"I want to complete this quest" sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi at napansin ko ang pag kagulat nya sa kanyang mukha.

"This mission is very dangerous, lahat ng kumuha ng mission na ito ay hindi pa nakakabalik. It's been 100 years simula nung mapost ang quest na ito sa lahat ng guild at kahit isa sa kanila ay walang nakapag kumpleto nito at hindi na rin sila nakabalik sa kanilang guild." kwento niya sa akin na naging dahilan kung bakit mas lalo akong naintriga sa quest na pinili ko

"Wala kayong ibang balita sa mga hindi pa nakakabalik mula sa mission na ito?" tanong ko at umiling siya

"Halos 30 na guild members ang kumuha ng quest na yan at ni-isa sa kanila ay walang nakabalik kaya idineklara ng mga guild masters na patay na sila kaya mula noon wala nang kumuha ng quest na ito" paliwanag niya mula sa akin

"Kailan ang huling kumuha ng mission na ito?" muli kong tanong

"10 years ago" tugon nito sa akin

"I will take this quest" saad ko sa kanya

"Are you sure? maaaring mamatay ka dito" sabi niya sa akin at ngumiti ako sa kanya

"I can do this, I promise that I will solve this problem" sabi ko sa kanya at bumuntong hininga siya na naging hudyat sa akin nang pag payag nya sa gusto ko

"Saan ang village na ito?" tanong ko

"Sa Bruwei Country, Caravin Village, sasamahan kitang makapunta sa village na yan pero maiiwan agad kita nyan kapag nag simula ka na sa pag imbestiga. Ayos lang ba yan sayo?" sabi nya sa akin kaya tumango ako bilang tugon

Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)Where stories live. Discover now