Chapter 23

43 2 0
                                    

McKeila 2.0 POV

"WELCOME BACK AGAIN, MCKEILA!" sigaw ng buong members ng guild

Nag sisimula na ang Welcome Back Party daw para sa akin. Ang buong guild ay maraming dekorasyon at talaga maiisip ko na sobrang grand ng party na ito para sa akin.

Maraming pagkain ang nakahain sa malaking mesa. Lahat yun ay masasarap lalo na't ang nag luto ay si Master Arnold. Ngayon ko nga lang din nalaman na magaling siya mag luto. Swak na swak rin ito sa aking panlasa.

"How's your feeling right now?" Tanong sa akin ni Crixx mula sa aking likuran.

Agad ko syang hinarap at nginitian

"Feeling great. Its feel so good to be back here" masayang saad ko sa kanya

"Mag kwento ka naman sa amin" sabi bigla ni Airesh na kararating pa lang

"Ano naman ang ikekwento ko sa inyong dalawa?" Tanong ko sabay higop ng soup na niluto ni Master Arnold

"About what happened on you for the past few years. Ang alam namin nakidnap ka kaya wala kaming nakukuhang impormasyon sayo" sabi ni Airesh

"True, halos mabaliw na kami dito kakahanap sayo lalo na si King" dagdag ni Crixx

"Tapos pumunta pa ang ibang miyembro ng MSC sa Earth para hanapin ka" sabi muli ni Airesh

"Hindi pa yata alam ng MSC na nandito ka. Dapat siguro sabihan na agad natin sila na you're back para hindi na sila mag hirap doon kakahanap sayo" saad ni Crixx

"Una sa lahat, ayaw ko munang malaman ng buong MSC na nandito na ako. I have my own reasons. At pang huli hindi ko alam kung mag kekwento ako sa inyo dahil secret pa ito sa ngayon but maybe after few days, sasabihin ko din" paliwanag ko sa kanya na naging dahilan ng kalungkutan sa kanilang mukha

"Fine, ayaw ko rin namang pilitin ka na sabihin yan" sabi ni Airesh at ngumiti sa akin

"Oo nga pala, ito na lang yung itatanong ko sayo kaya dapat sagutin mo ito" sabi ni Airesh kaya napatingin ako sa kanya

"Okay, I'll try pero kapag walang kwenta ang tanong mo, bahala ka na dyan" patawang saad ko

"Xavier came here today. Once in a blue moon lang pumunta dito sa guild si Xavier kaya hindi ko aakalain na pupunta siya ngayon sa welcome back party mo" sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

So? Anong problema niya dun? Don't tell me may gusto siya kay Xavier? Aagawin niya ba sa akin si Xavier? Malalagot ako kay Real One kapag nag kataon yan

"May gusto ka ba kay Xavier? Nag seselos ka ba?" Mabilis kong tanong sa kanya at bakas sa mukha nilang dalawa ang pag kagulat sa sinabi ko.

"Oo McKeila, honestly nag seselos na ako sayo" malungkot nyang saad sa akin na naging dahilan ng kalungkutan ko rin

"I really want Xavier, but since you like him, maybe I will let him go and give him to you." Mabait kong saad sa kanya

"Really?" Tanong niya sa akin

"Yes naman. I still have King, Shin and Saji therefore I am willing to give up Xavier for your own good" nakangiti kong sabi sa kanya at nag simula na humalakhak sina Crixx at Airesh na aking ikinataka

Ano naman ang problema nila? Wierd ba ako sa paningin nila?

"Oh god McKeila, you're so funny. Of course not, I am not inlove with Xavier. He is too far away from me at isa pa hindi kami close. Halos hindi nga kami nag uusap nun dahil lagi yun tahimik tapos mag kakagusto ako dun?" Patawang sabi sa akin ni Airesh at heto naman akong nahihiya sa mga pinag sasabi ko kanina

Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)Where stories live. Discover now