King POV
"WELCOME BACK PRESIDENT KING!" sigaw ng buong estudyante ng Equestria sa akin
Teka, paano nila nalaman na pupunta ako ngayon dito? Wala naman akong pinag sabihan na pupunta ako dito sa school na 'to.
Habang papasok ako sa loob ng campus ay lahat sila binabati ako kahit ang mga teachers ay binabati ako kaya wala akong nagawa kundi yumuko at ngumiti sa kanila.
Agad akong pumunta sa office ng MSC at laking gulat ko na maraming pagkain ang aking nakita at talagang may banner pa sila para sa akin.
"Welcome back our King!" Biglang sigaw ng mga kasama ko sa MSC mula sa labas ng office at kasama nila si Master Aries
"Paano niyo nalaman na uuwi ako? Dapat ako ang masurprise sa inyo pero mukhang ako pa yata ang nasurprise" natatawang saad ko sa kanila
"Nasabi kasi sa amin ng magulang mo na in any days baka umuwi ka daw dito at mukhang tama sila" sabi ni Shoto kaya napatango ako. Tsk ang ingay talaga nila. Hindi marunong mag tago ng secret
"Babalik pa naman ako sa Earth, hindi pa kami tapos mag hanap kay McKeila" sabi ko sa kanila at napuno ng katahimikan ang office namin
"Oo nga pala, Master Aries, do you have any relatives that is now living on Earth?" Basag ko sa katahimikan nila
"Relatives? Bakit may nakilala ba kayong Edlise doon?" Tanong niya sa akin
"His name is Vishnu and he has a same surname as you" saad ko sa kanya at halos nanlaki ang mata nya sa sinabi ko
"Vishnu? Wait, ayos lang ba siya? Nasa tamang kalagayan ba siya?" Bulalas na tanong niya sa akin
"Oo ayos naman siya pero ang tanong ko dito ay sino siya? Relative mo?" Tanong ko habang sinisigurado ang kanyang magiging sagot at tumango sya
"He is my son, he want to stay on Earth for a certain reason. Wala rin akong magagawa kung uuwi ba siya o doon na maninirahan kaya hinayaan ko na lang siya dun" paliwanag niya sa akin.
So, mukhang tama ang sinabi ng aking magaling na ama. I never thought na mag kikita kami ng anak niya doon
"Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya kami pinilit na tulungan sila about sa World War 3" sabi ko sa kanya
"World War 3?" Tanong ni Crystal
"Merong gyera sa Earth?" Tanong din ni Zerefer
"Maybe my son really love the planet of Earth, hindi ko alam kung ano ano ang pinagawa niya sa inyo but I know it is for the good of that planet" saad niya sa akin
"Napaka seryoso niyo dyan, halina't kumain na, yung mga niluto ko baka lumamig na" pag aaya ni Kevin kaya ngumiti ako at dali daling kumuha ng plato at nag sandok ng mga pagkain
"Matanong ko lang King, kamusta si Kiara?" Tanong ni Kevin habang ngumunguya ako
"Ayos naman siya, buhay pa naman" patawang saad ko at binatukan niya ako
"Wala ba syang naging lalaki doon? Hindi ba nya ako pinag tataksilan?" Tanong niya sa akin at inasar siya ng mga kasama namin habang ako napatahimik.
"Ehem seloso naman ng Kevin namin" pang aasar ni Rhezaldie
"Stick to one si Kiara kaya hindi ka nun lolokohin" pag tatanggol ni Hazeith
"Kung may lalaki si Kiara dapat may babae ka din Kevin" patawang saad ni Adriann
"Hoy wag mong turuan ng masama si Kevin, naku kapag nangyari yan, ewan ko na lang kung paano ka papatayin ni Kiara" Yvettere
"Quits lang sila kung parehas sila nag loloko sa isa't isa" gatong ni Crystal
YOU ARE READING
Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)
FantasyAfter McKeila and others saved the Prime Minister of Ecroville, McKeila suddenly eaten by a magical warp. Everyone is panicking because of what happened. They don't know why she was eaten by a magical warp, or should we say, was kidnapped by an unkn...