Euricel POV
"Lunch Time!" Rinig kong sigaw ni Haruto habang tumatakbo sa hallway ng bagong school na pinapasukan namin. Lahat kami ay papunta sa garden dahil mas tahimik doon at para na rin makapagusap kami ng maayos.
"Haruto, masyado ka ng attention seeker, pati sa classroom, napaka energetic mo" sabi ni Flaire at napapailing na lang
"Ano ba ang ginawa niya kanina?" Tanong ko sa kanya habang napapatawa
"Paano ba naman kasi patakbo siya pumunta sa classroom dahil nga late na naman tayo, alam mo ba kung anong nangyari? Ayun natapilok siya at nadapa siya, saktong pagkadapa niya ay nadamay yung class president na babae sa classroom namin at napagmumukhaan mo na may ginagawang kababalaghan dahil nakapatong siya dun sa babae" mahabang kwento ni Flaire at lahat kami ay hagalpak sa tawa dahil sa sinabi niya
"Haruto, inuunahan mo yata ako maka score" pang aasar ni Luthor
"Sino ba yan Pre, maganda ba? Sexy?" Tanong naman ni King at parehas silang binatukan ni Haruto
"Aksidente lang yun, malay ko ba na harang-harang siya sa daan" sabi nito at hinawakan ni Alexander ang balikat ni Haruto
"Aksidente lang ba talaga o sinadya mo?"tanong nito habang nagpipigil ng tawa kaya ayun batok ang naabutan niya
"Wag niyo na nga ako asarin, nahihiya na nga ako sa kanya eh" sabi nito habang naiinis
"Oh eto naman, kwento ko sa inyo" sabi ni Davica at napatingin kami sa kanya
"Oh ano yun?" Tanong ni Kiara at nag simula ngumisi sa Davica
"Cheater na si Kiara, may ibang lalaking kasama, naku lagot ka kay Kevin" sabi nito at lahat kami ay nanlaki ang mata
"Oww!" Awkward naming sabi at agad itong dinepensahan ni Kiara
"No, never, tinulungan niya lang ako dun sa assignment natin na hindi ko maintindihan tsaka mabait naman siya" mabilis nitong depensa at napatango ako pero itong mga kupal na lalaking kasama namin ay halatang may issue na masasabi
"We need to tell this to Kevin, we promise na sasabihin namin sa kanya ang sino man na lalapit kay Kiara" sabi ni Alexander
"True, lagot tayo kay Kevin pag wala tayong maiuwi na balita" gatong naman ni Haruto
"And since may nakalap na tayong information, its time to fly back to Ecroville to deliver this" dagdag ni King
"Tara lets go, hindi natin palalampasin ito" sabi din ni Luthor at pinagbabato sila ni Kiara na masamang titig at lahat kami dito ay nag pipigil ng tawa
"Sige sabihin niyo, kakalimutan ko na kayo" pananakot ni Kiara at parehas silang umayos ng upo na parang walang nangyari
"Wala naman kasing malisya dun, kayo lang gumagawa ng malisya, lalo ka na Davica" pagalit nitong sabi sa kanila at parang mga pinaamong hayop ang mga lalaki na kasama namin. At si Davica ay parang walang narinig
Wag kasi galitin yung taong may lovelife, yan tuloy
"Change topic na nga tayo, baka palalain niyo pa ang sitwasyon" pagbabago ko sa topic pero tahimik pa rin sila
"What about McKeila? Wala kayong nakuhang information?" Tanong ko
"Wala, sure ba ikaw Yurika na may makukuha tayong info dito? Puro kabulastugan lang ginagawa natin dito" sabi ni Flaire
"Of course malay natin may mahanap tayo na Edlise dito, edi mas maganda" sagot niya at napakunot ang noo namin sa sinabi niya
"Edlise? May Edlise pa ba dito sa Earth?" Tanong ko at nag kibit balikat siya
YOU ARE READING
Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)
FantasyAfter McKeila and others saved the Prime Minister of Ecroville, McKeila suddenly eaten by a magical warp. Everyone is panicking because of what happened. They don't know why she was eaten by a magical warp, or should we say, was kidnapped by an unkn...