McKeila 2.0 POV
"Tomorrow night will be the death of Satan" Lucifer said while we are preparing ourselves for tomorrow
Kauuwi ko lang kagabi galing sa mission ko sa Caravin Village. Since nag karoon na ng kaliwanagan sa pangyayari ay naibigay na sa akin ang perang hinihintay ko. Halos 100,000,000 million viles ang nakuha ko dahil every year daw ay dumadagdag ng isang milyon ang ibabayad sa mga makakakumpleto ng mission.
Real one might thank me for this. Kahit clone lang ako, nabigyan ko na agad siya ng malaking halaga ng pera na maaaring magamit niya sa future.
Oo nga pala nandito ulit ako sa bahay ni Lucifer kasama ang mga anak niya at sina Britany at David. Tinawagan ako ni Britany na dito na daw ako pumunta after ng mission para makapag usap pa kami ng matino tungkol sa pag sugod
"Bukas, susundin pa rin ba natin ang Plan B? Plan A yung nasabi natin sa mga Guild Masters noong meeting natin" saad ni Britany
"I almost forgot, paki inform silang lahat na susugod tayong lahat sa Calamenus. Mahihirapan tayo kung sa outerspace ang labanan dahil hindi natin sila mapapapunta doon" utos ko sa kanila at agad naman silang tumango
"Saan tayo ma pwesto bukas?" Tanong ni Shin
"Anong tayo ka dyan? Hindi ka kasama sa labanan bukas. You're not from a guild" sabi ko sa kanya
"Then Saji and I will join Equestria Guild for us to join the battle" sabi muli ni Shin na ikinagulat ko
"Don't include me, I don't want to waste my time on that matter. If you want to join, then join. Don't drag me there" mabilis na sabi ni Saji na ikinanguso ni Shin
"Saji is right and also this battle will be dangerous to you. Ayaw kong makita ulit kayong masaktan" pag babawal ni Lucifer
"But---" sasagot pa sana ito nang biglang may umilaw sa kamay ni Lucifer
"Sealing Magic: Chain" narinig kong bulong ni Lucifer at biglang may mga kadena ang pumulupot kay Shin at maya maya lang ay pumasok ito sa katawan ni Shin at ang pangyayaring ito ang naging dahilan ng pag kagulat ni Shin
"Why did you seal me!?" Pasigaw nitong tanong kay Lucifer
"From now on, pag katapos ng labanan na mangyayari bukas, buhay man ako o hindi, hindi ka makakagamit ng kapangyarihan unless tinanggal ko ito ng kusa" sabi ni Lucifer na labis na ikinagalit ni Shin
"I have my own freedom, you can't stop me, father" saad nito at bigla niya kaming nilayasan
Hayst kahit kailan talaga, napaka childish ni Shin. Ang bilis niya mag tampo pero kapag nilambing mabilis din makipag bati sa amin.
Kung tutuosin kahit ako ay gagawin ko rin yun sa kanya. I don't want him to be involve in this matter. Kahit sumali pa siya ng guild namin ay hindi pa rin siya makakasama sa main force ng Ecroville dahil hindi siya S Class Wizard. Only S and SS Class Wizard can join the battle.
"How about Saji, hindi mo ba siya lalagyan ng chain sa katawan? He might also secretly join the war" Tanong ko kay Lucifer at biglang napalunok ng laway si Saji sabay tingin sa amin ni Lucifer at bakas sa mukha niya na kinakabahan siya sa maaari naming gawin sa kanya na naging dahilan ng pabiro kong pag ngisi sa harapan niya
"You're right, McKeila. Saji is also like Shin, he is stubborn and will do everything to do what he want" sabi ni Lucifer at laking gulat ko na dali daling tumakbo si Saji upang makalayo sa amin pero sa isang iglap lamang ay nakapag cast agad si Lucifer ng spell na naging dahilan kung bakit nag karoon din siya ng chain sa kanyang katawan
Lucifers' sealing magic is really interesting. I want to copy his magic but sad to say, I am just a clone. I can't copy his magic and make it my own. If only real one is here then this matter will be piece of cake for her
YOU ARE READING
Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)
FantasyAfter McKeila and others saved the Prime Minister of Ecroville, McKeila suddenly eaten by a magical warp. Everyone is panicking because of what happened. They don't know why she was eaten by a magical warp, or should we say, was kidnapped by an unkn...