Chapter 2

63 4 0
                                    

Luthor POV

It has been 1 month since we arrived on Earth, and this is our first time attending an Earth school. We have already learned a lot about this world, and one thing I've discovered is that there are many beautiful girls here.

"Yurika, ayos na ba itong uniform ko? Gwapo pa rin ba ako?" Tanong ko kay Yurika at binato niya ako ng ballpen na kanina pa niya hawak.

"Naku! ako ay tigilan mo dyan, puro ka papogi, mamaya malimutan mo na nandito tayo para kay McKeila at hindi para sa babae" tugon niya sa akin at napanguso ako

"Pre, wag ka ngumuso, mukha kang baliw dyan" pangaasar ni Alexander sa gwapo kong mukha

"True ka dyan, Alexander, ewan ko na lang kung layuan yan ng mga babae sa school" pangaasar ni Haruto kaya binatukan ko siya ng malakas

"Hindi ako lalayuan 'no, lalapitan nila ako, pustahan pa tayo mamaya, sa gwapo kong ito, sino ang hindi mahuhumaling" sabi ko sa kanya at napa "weh" sila sa sinabi ko

"Luthor, hindi mo yata kilala kung sino ako, mas lalapitan nila ako kaysa sayo" sabi ni King na mukhang kagigising pa lang dahil siya na lang ang hindi pa nakabihis ng uniform

"Alam mo K---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang magsalita si Kiara

"King, malapit na mag 8:30 am, until now hindi ka pa rin naliligo, baka nakakalimutan mo na may pasok tayo" sabi nito kay King at ayun biglang kumaripas ng takbo ito papasok ng CR kaya napailing na lang kami sa kanya

"Ayos na ba ang mga gamit nyo dyan? Wala na kayong naiwan?" Tanong ni Euricel at lahat kami ay tumango sa kanya

"Pwera na lang kay King na naliligo pa lang" I said and then nag salita si Yurika na ikinatawa namin

"Iwan na natin yan, malaki na siya at alam na niya ang daan papuntang school, malalate na tayo" sabi nito at mabilis kaming nag teleport sa gilid ng school kung saan walang dumadaan, mas safe dito gumamit ng powers dahil walang makakakita kaya naman dito na yung naging tambayan namin.

Pagkatapos namin pumasok sa school gate ay muling nag salita si Yurika

"Magkakaiba ang schedules at klase natin kaya malamang sa malamang ay magkakahiwalay tayo ng section, behave kayo ah lalo ka na Luthor, lagi mong sinusundan ang yapak ni King sa pagiging babaero" lintanya niya

"Oo na behave na ako, pero di ko na kasalanan kapag maraming babae ang lumapit sa akin" tugon ko at inirapan niya ako.

Ang taray talaga ni Yurika kahit kailan, halatang pinaglihi sa sama ng loob, pabago bago din ang ugali. Hindi ko na din talaga siya maintindihan.

"Luthor and Yurika, see you later" pagpapaalam ni Flaire

"Bro, pag naging famous ka dito, maniniwala na akong tunay na gwapo ka" pag hahamon ni Haruto

"Game, paramihan ng babaeng makukuha, sure ako, panalo na ako" pag mamalaki ko sa kanila

"Labas ako dyan sa pustahan nyo, wala akong oras sa babae" sabi ni Alexander

"Kaya ka boring, Alexander, Maraming babae ang nag hahabol sayo sa Equestria tapos hindi mo man lang sila ineenjoy" sabi ko sa kanya

"Hindi naman kasi siya tulad ninyong babaero, wag mo nga siyang itulad sayo" sabi ni Flaire

"Ouch tagos yun sa puso, Luthor" pang aasar ni Davica pero hindi ko siya pinansin dahil hindi naman ako affected dahil gwapo ako.

"Tama na nga yan, lalo tayo malalate, magagalit na si Yurika oh" sabi ni Euricel at doon ko napansin na naiirita na nga siya

Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)Where stories live. Discover now