Chapter 16

46 2 1
                                    

McKeila POV

"McKeila, wake up"

"McKeila, I said wake up, nasa panganib tayo"

Tsk, sino ba 'tong maingay na 'to? Nakikita namang natutulog ako dito tapos iistorbohin lang nya ako.

"Gumising ka na, nandito sina Xavier kasama si King"

"Ha? Si King? Si Xavier? Nasaan?" Biglang tugon ko at napabangon ako mula sa pag kakahiga at doon ko napansin na masama ang tingin sa akin nina Saji at Shin.

Ay oo nga pala, diba makakatakas na kami? Teka, nasaan kami ngayon?

Nilibot ko ang aking mga mata at doon pumasok sa utak ko na nakakulong kami sa isang selda.

"Yan pag sina King ang pinag uusapan, nawawala sa sarili" sabi ni Shin kaya nag peace sign ako sa kanya

"Nasaan ba tayo? Diba malapit na tayo makatakas?" Tanong ko sa kanila at tinignan nila muli ako ng masama

"We are supposed to ask you this, where are we?" Tanong din ni Saji at halos kainin na niya ako sa sama ng titig niya sa akin

"Teka teka, bakit ganyan kayo makatingin? As if naman na plinano ko na mapunta tayo dito tsk" saad ko sa kanila sabay irap ng mata

Muli kong tinitigan ang kapaligiran at biglang pumasok sa isip ko ang salitang

"Calamenus" saad ko at bigla akong napatayo sa selda na kinaroroonan namin

"What did you just said? Calamenus? Are we in Calamenus Planet?" Tanong ni Saji at unti unti akong tumango dahil maging ako ay hindi ko aakalain na dito kami dadalhin ni Satan

"Ano na ang gagawin natin? Ngayon pa lang ako nakakapunta sa lugar na ito" saad ni Shin at nag kibit balikat ako

"We should get out of here as soon as possible, delikado tayo dito sa lugar na ito. I can't use my powers. This room has a power to negate our powers" sabi ko sa kanila at pansin kong mas lalo silang naging alerto sa paligid

"Gising na pala kayo mga hampas lupa lalo ka na, Ms. Traitor" sabi ng isang boses babae sa labas ng selda namin.

Ilang beses na akong natawag na traitor ah, hindi pa ba sila titigil dyan? Nakakainis na pakinggan ang salitang yan

"Sino ka?" Tanong ni Shin na may masamang titig dun sa babae

"Ano na naman ang gusto mo, Frey?" Tanong ko sa kanya

"Ilang beses ko na sinabi kay Satan na you're just a fake but he didn't listen" sagot nito sa akin kaya napatawa ako ng mahina. Hindi ko naman kasi aasahan na maniniwala si Satan sa akin o hindi. Ang mahalaga ay nagagawa ko ang inuutos ni Lucifer, thats it.

Frey is one of the Satan's Four Guardian Knights. Actually there are 4 of them. The first one is Frey, The Guardian of Lust. The next one is Draken, The Guardian of Envy. The next one is Patricia, The Guardian of Gluttony  and the last one is their leader which is Wyver, The Guardian of Wrath.

I already met those four pero mahirap hagilapin si Wyver. He is too cautious on me kaya ang hirap makipag kasundo sa kanya. Sina Draken, Frey at Patricia ay mabilis kong nakasundo but Wyver is not.

"Now tell me, anong ginagawa mo dito, Frey?" Tanong ko at bumakas ang ngisi sa mukha nya

"Torture time" he said at nanlaki ang mga mata ko at unti unti akong napaatras

Frey, The Guardian of Lust, she is so good on torturing others. Minsan ko na rin syang makita na mag torture sa ibang nilalang at talagang masasabi kong hindi ko gugustuhin na mapasailalim sa kapangyarihan niya.

Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)Where stories live. Discover now