Chapter 28

48 1 0
                                    

Melody POV

Did she just call me mom? Is she pregnant or something? kasal na ba agad sila ni King?  ang bilis naman ni King, hindi man lang sinabi sa akin

"McKeila did you just call me mom?" tanong ko sa kanya at bakas sa kanyang mukha ang pag dadalawang isip at dahan na dahan na tumango 

"YEY! MERON NA AKONG ANOTHER DAUGHTER IN LAW!" Sigaw ko at napalapit ako kay McKeila

"May anak na ba kayo ni King? Buntis ka na ba? may grandchild na ba ako? alam mo bang matagal ko nang pangarap na mag karoon ng apo? Napaka bagal kasi ng dalawa kong panganay kaya umaasa ako sa aking bunso at talaga namang ibinigay niya ang gusto ko" mahabang lintanya ko sa kanya

"Mom, hindi ka na naman nahiya, hindi pa buntis si McKeila, wag mo kaming pangunahan" sagot sa akin ni King

"Pa? meaning may balak kayo?" masayang tanong ko

"Kung papalarin, siguro ay oo" matamis na tugon ni McKeila na nag bigay buhay sa aking tainga

"Hay nako, bilisan niyo na, gusto ko na ng apo" masayang kong saad sa kanila

"Kayo Xavier at Heaven? Kailan niyo naman paliligayahin ang buhay ko? Mauunahan pa kayo ng bunso natin" saad ko sa mga anak ko

"Mom, hindi pa kami handa ni Leon sa ganyang bagay, look hindi pa kami kasal" sabi ng anak kong si Heaven kaya napatingin ako kay Xavier at nakikita ko talaga sa mata niya na hindi siya interesado sa tanong ko kaya si Suzanne naman ang tinitigan ko

"Tita Melody hindi pa namin yan napag uusapan ni Xavier, we are still thinking regarding dyan" sagot ni Suzanne habang si Xavier ay walang pakialam.

Hayst, ewan ko ba sa panganay kong 'to ayaw na ayaw niya kay Suzanne. Maganda naman ito at bagay na bagay ito sa kanya pero wala itong epekto sa kanya. Bakla ba 'to? hindi natatablan ng alindog ng mga babae 

"Honey, huwag mo namang pag madaliin ang mga anak natin sa ganyang bagay, bata pa sila" sabi naman ng magaling kong asawa 

"Baka nakakalimutan mo Andrei, nandyan na si Xavier at Heaven bago pa tayo ikinasal. Pinag madali din tayo ng mga parents natin kaya nag bunga agad sila. Bata pa din naman ako noon nag kaanak ako" pag mamaktol ko sa kanya at napansin kong ang mahinang pag tawa ni McKeila

"Iba ang noon at ngayon. Bakit parang ako pa ang sinisisi mo sa pangyayaring yan?" mahinahong tanong niya sa akin

"Malamang kung hindi dahil sayo, hindi ako maagang mabubuntis hmp" reklamo ko sa kanya

"Mom parang nag sisisi ka na naging anak mo kami" patawang saad ni Heaven at narinig ko ang mahina nilang tawanan

"Ah basta, sure na akong may apo na ako kay King, kayong dalawa dyan, mauunahan pa kayo ng bunso niyo" lintanya ko sa dalawang anak ko

"Mom, balak sana namin ni King na mag pasakal este mag pakasal muna bago mag karoon ng anak para mas appropriate" sabi sa akin ni McKeila

"Hindi niyo na kailangan yan, kahit ngayon pwede na kayo gumawa ng apo ko" sabi ko sa kanila at nakita ko ang labis na pamumula ni McKeila

"Mom, kanina ka pa nangungulit sa amin ni McKeila, dadating din kami sa proseso na yan, huwag ka naman mag madali" sabi ni King na ikinanguso ko 

Biglang tumayo ang asawa ko at hinila ako papaalis ng dining hall

"Teka hindi pa ako tapos kumain" lintanya ko sa kanya

"Nangungulit ka lang naman dyan, hayaan mo na sila, ako na lang ang pansinin mo" sabi nito na ikinalawak ng ngiti ko

Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)Where stories live. Discover now