McKeila POV
"Let me present you the council of Oomzeesia Academy and as well as the main force for attacking the enemies residing in Houville" pagpapakilala ni Master Clia sa amin ni Shin sa harap ng mga presidente at headmaster ng bawat school na kakampi namin.
Nandito kami sa isang malaking room, hindi ko alam kung saan ito dahil hinila lang ako ni Shin papunta dito.
Agad kaming pumunta ni Shin sa gitna at mula sa pwesto ko ay kitang kita ko si Zerefer, Yazra, Rhezaldie at Crystal, as expected wala si King, tsk, bakit ko ba siya hinahanap?
"Wala si King dyan, wag mo na hanapin, nandito ako sa harapan mo oh" sabi ni Shin kaya binatukan ko siya
Good thing dahil nabago agad ni Shin ang aking hitsura dahil kung hindi, malamang malalaman agad nila na nandito ako.
Ngayon ko lang din napansin ang bulungan nila.
"Siya ba yung secretary ni Shin?"
"Siguro, silang dalawa lang ni Shin ang nandyan maliban dun kina Nicole na hostage ng Houville"
"Sexy niya in fairness, bagay sila ni Shin"
"At paano napunta ang love life ni Shin, naku kapag narinig ka nyan, ewan ko na lang ang mangyayari sayo"
"Dami nyo kasi sa chismis, kumain na nga muna kayo"
Kaliwa't kanan ang bulungan nila at kahit papaano ay naiintidihan ko sila kahit malayo ako
"The secretary of Shin is the one who make this plan, Eyrisha do you have any more plan to share on us?" Tanong ni Master Clia
"Good Evening everyone, before I tell you another plan, I want you to know my name, I'm Eyrisha Yssabelle Rhaine Maxense with a power of fire" pag papakilala ko sabay yuko ng aking ulo
Yes, iniba ko ang name ko para hindi talaga ako makilala ng mga edlise dito
"Actually wala na dahil sa tingin ko ay tama na yung napagusapin namin ng mga Headmasters pero may isang tanong akong gustong itanong sa inyong lahat" paninimula ko
"Go ahead" tugon ni Master Clia kaya itinuloy ko ang tanong ko
"Napag isipan ko na if susunugin ko ang buong school ng Houville, may magagalit ba sa akin?" Tanong ko at halos lumuwa ang mata nila sa tanong ko at maging si Shin ay halos hindi makapag salita sa tanong ko
"Bakit mo naisipan yan?" Tanong ni Master Aries
"Before you jump into any conclusions, I can return it the way it use to be if susunugin ko ang buong school, part of my trap kasi ito and I know na mahuhulog sila sa bitag" pag papaliwanag ko at tumango silang lahat kaya napahinga ako ng maluwag. Buti naman naintindihan nila ako.
"You can do it as long as ikaw ang responsible sa mga mangyayari" sagot ni Master Clia at ngumiti ako ng malapad
"If you need any help while trapping all schools that is not part of us, you can contact me, pwede naman ako mag double task" patawa kong saad at hindi sila tumawa sa joke ko kaya napairap ako.
YOU ARE READING
Ecroville Chronicles: World of Fantasy (BOOK 2)
FantasyAfter McKeila and others saved the Prime Minister of Ecroville, McKeila suddenly eaten by a magical warp. Everyone is panicking because of what happened. They don't know why she was eaten by a magical warp, or should we say, was kidnapped by an unkn...