Hi sayo reader! (kung may nagbabasa man) Sorry kung sooobraang tagal kong mag-update. Busy kasi since last week dahil hell week nun. Pero tapos na yung class, so I think maibabalik ko na yung every week update. Sanaaa *crossfingers*
Welp, this is it. If ever someone is still reading, lemme know yer thoughts through comments and messages! Thanks :)
[ Accendo "Accel" Vesperis Rex POV ]
Pabalik na ako sa dorm ko. Hay. Nakakpagod ang araw na ito.
Wala naman kaming masyadong napagusapan. We just exchanged informations . Tapos gaya ng dati, same mission parin. I'll still go with aeterna.
Pagbalik ko sa dorm, napa buntong hininga nalang ako sa nakita. Yung nasirang pinto kasi kanina ay pinilit pang ayusin gamit ang tape. Isang PACKING TAPE.
Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan kong patay ang ilaw at tanging tv lang ang naka bukas. Nakita ko namang nakaupo si Cato sa kung saan at tulog na. Nakatulog siguro habang nanonood.
Static nalang ang kita sa tv kaya pinindot ko ang remote para patayin ito. Pero mali ang napindot ko kaya lumabas ang isang footage ng cctv. Kita ko ang oras na nakalagay sa gilid ng scrren. Teka, nanonood si cato ng cctv? binabantayan niya ba ako? o may ibang dahilan?
Live ang cctv at hindi nito nahahagip ang daan na tinahak ko kanina, kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pero bago ko patayin ang tv ay pinagmasdan ko ang lugar sa cctv. Napakunot ang noo ko. Hindi na achilles ang nakikita ko ah?
tinitigan ko pa ito ng mabuti at narecognize ko ang naka ukit na emblem sa isa sa dingding. Kung di ako nagkakamali, eto ang manor ng Terzo.
Bakit nila binabantayan ito? may balak kaya silang sugurin ang sarili nilang bahay o may binabantayan sila?
—-
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas-syete na.
And our class starts at 7 am.
Nakita ko ang singsing na iniwan ko dito kagabi. Agad ko itong sinuot para hindi sila magsuspetsa.
Bumangon ako at nakitang tulog pa rin si cato. Kumuha ako ng tubig at ibinuhos sa kaniya para magising.
Agad naman siyang tumayo at nag palinga-linga na parang nagpapanic. "Asan sunog?! Asan?!"
Binatukan ko siya. "Stupid. We're late."
Naginit ako ng tubig at nagkape saka prenteng umupo sa may balkonahe. Uupo naman si Cato sa tabi ko habang nagtutuyo ng buhok at nagkape rin. "Yeah we're late. Kaya umabsent nalang tayo."
Natahimik ang paligid matapos non. Wala na akong ibang narinig kundi ang pagkalansing ng mga tasa na ginagamit namin.
Naisip kong magtanong. Pero pinili ko ng maigi ang gagamitin kong salita.
"Last night, i saw a cctv footage. I thought you were looking at achilles, but it's not. Where is it?" I asked. Syempre hindi ko pwedeng itanong na 'bakit mo tinitignan ang bahay niyo?' Hindi nila pwedeng malaman na alam ko ang lahat tungkol sa elites.
Natigilan siya sa paginom ng kape. Ang masaya niyang aura ay unti unting nawawala. Nakita ko ang mga mata niya, it was worried.
"Ah nakita mo pala yun? wala yun. It's nothing important.. it's just a house. Ang ganda kasi ng interior kaya hinack ko ang surveillance nila para makita yung loob."
Liar.
He said he doesn't care, pero sinisigaw na ng mga mata niya kung ano talaga ang nararamdaman niya. It was gentle, caring and worried.

BINABASA MO ANG
Non Omnis Moriar (Ongoing)
Misterio / SuspensoAccel is the next King of the mafia. But before he was, he is required to do all the dirty works. His new mission is to capture and kill the hackers of their information-containing website. Can he do it by entering and living in the world of his ene...